Bryan Nickson Lomas

Bryan Nickson Lomas
Si Bryan sa Palarong Komonwelt 2010
Personal na impormasyon
Buong pangalanBryan Nickson Lomas
Kapanganakan (1990-06-30) 30 Hunyo 1990 (edad 34)
Kuching, Sarawak
TirahanKuala Lumpur, Malaysia
Tangkad1.64 metro (5 tal 5 pul)
Isport
Bansa Malaysia
Kaganapan3–, 10 m pambuwelo, platporma

Si Bryan Nickson Lomas (ipinanganak noong Hunyo 30, 1990 sa Kuching, Sarawak[1]) ay dating maninisid mula sa bansang Malaysia. Si Lomas ang pinakabatang atleta mula sa Malaysia na naging kuwalipikado para sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004 sa Atenas, Gresya nang siya ay 14 na taong gulang pa lamang.[2] Siya ang naging kauna-unahang dyunyor na kampeon ng pagsisid sa mundo ng kanyang bansa pagkatapos manalo ng ginto sa 3 m pambuwelong (springboard) kaganapang Dyunyor na Kampeonato ng Mundo na ginanap sa Belem, Brazil noong 2004.[3][4] Nagsanay siya sa ilalim ng pagtuturo ni Yang Zhuliang. Ipinangalan si Lomas ng kanyang ama sa putbolistang si Bryan Robson.

  1. "Bryan Lomas" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Abril 2020. Nakuha noong 26 Oktubre 2015.
  2. "Bryan officially leaves national squad" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Oktubre 2015.
  3. "Kuala Lumpur to host world junior diving meet" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Agosto 2012.
  4. "Bryan hopes to do well in world meet to earn Olympic spot" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Agosto 2012.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne