Buhok

Si Mark Twain, isang manunulat mula sa Estados Unidos, ay isang taong may mahabang buhok sa ulo, may bigote, at may balahibo sa dibdib.
Isang lalaking balbasarado.

Ang buhok[1] (Ingles: hair) ay mga mahahabang hibla ng balahibo na matatagpuan sa ibabaw ng ulo ng tao at maging sa balat ng mga ito. Mayroon ding buhok ang mga hayop katulad ng ibon (Ingles: feather), baboy at unggoy ngunit kadalasang balahibo ang tawag dito sa halip na buhok. Balbon, mabuhok o mabalahibo ang tawag sa isang taong maraming balahibo o buhok sa katawan. Bigote (Ingles: moustache o mustache) ang tawag sa buhok sa ibabaw ng pang-itaas na labi, maging sa piltrum, ng tao, samantalang balbas (Ingles: beard) naman ang tumutukoy sa mga buhok na tumutubo sa paligid ng bibig kabilang na ang bigote. Tinatawag ding misay[1] ang bigote o balbas. Balbasarado ang tawag sa isang taong may balbas, samantalang bigotilyo naman ang may bigote (bigotilya kung babae, bagaman hindi ito pangkaraniwan). Bulbol naman ang karaniwang tawag sa buhok sa may kili-kili at iyong nakapalibot sa kasangkapang pangkasarian ng tao o hayop.

  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Buhok, balahibo, balbon, bigote, balbas, atbp.". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne