Ang mga bukol (Ingles: tuber) ay sari-saring mga uri ng nabagong kayarian ng halaman na lumaki upang makapag-imbak ng mga nutriyente. Ginagamit ang mga ito ng mga halaman upang manatiling buhay sa mga buwan ng taglamig o tagtuyot at upang makapagbigay ng enerhiya at mga nutriyente para sa muling paglaki habang nasa panahon ng panahon ng paglaki, at ang mga ito ay mga paraan ng reproduksiyong aseksuwal.[1] Kapwa mayroong mga bukol na tangkay at ugat.