Bulebar Mel Lopez Mel Lopez Boulevard | |
---|---|
Daang Marcos (Marcos Road) | |
![]() Bulebar Mel Lopez malapit sa Manila North Harbour Container Port | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 6.2 km (3.9 mi) |
Bahagi ng |
|
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | ![]() |
| |
Dulo sa timog | Anda Circle sa Port Area |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Maynila |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Bulebar Mel Lopez (Ingles: Mel Lopez Boulevard), dating tinawag na Daang Marcos (Ingles: Marcos Road), ay isang lansangang may anim hanggang sampung linya at hinahatian sa gitna at matatagpuan sa hilagang Maynila, Pilipinas. Inuugnay nito ang Abenida Recto sa San Nicolas sa Daang Palibot Blg. 4 sa Navotas sa hilaga. May haba ito na 6.2 kilometro (3.9 milya). Isa itong karugtong ng Daang Bonifacio at Bulebar Roxas (ng R-1) sa hilaga ng Ilog Pasig, at dumadaan mula hilaga-patimog sa paligid ng Manila North Port at nagsisilbi sa mga pandalampasigang komunidad ng Tondo at Navotas.
Bahagi ang lansangan ng Daang Radyal Blg. 10 ng sistema ng daang arteryal ng Kalakhang Maynila, at Pambansang Ruta Blg. 120 (N120) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas