Bulebar Espanya | |
---|---|
Daang Radyal Blg. 7 | |
![]() Bulebar Espanya sa Sampaloc, Maynila. | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 2.0 km (1.2 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa kanluran | ![]() |
Dulo sa silangan | Rotondang Mabuhay sa Lungsod Quezon |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Maynila, Lungsod Quezon |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Bulebar Espanya (Ingles: España Boulevard, Kastila: Bulevar España) ay ang pangunahing daan ng Sampaloc sa Maynila. Isa itong daang arteryal na may walong landas, apat sa bawa't gilid, na nagsisimula sa Rotondang Mabuhay sa hangganan ng Lungsod Quezon at Maynila, at nagtatapos sa isang sangandaang-Y sa mga Kalye Lerma at Kalye Nicanor B. Reyes Sr. sa Maynila. Pinangalanan ito sa Espanya na namuno sa Kapuluan ng Pilipinas sa loon ng 333 taon, mula 1565 hanggang 1898. Tunay sa pangalan nito, ilang mga pangalang Kastila ang mapapansin sa kahabaan ng bulebar.
Bahagi ang bulebar ng Daang Radyal Blg. 7 (R-7) ng sistema ng daang arteryal sa Kalakhang Maynila, at ng N170 ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.