Bulebar Macapagal Macapagal Boulevard | |
---|---|
Abenida Macapagal (Macapagal Avenue) | |
Bulebar Macapagal malapit sa Entertainment City. | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 22.3 km (13.9 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa timog | Abenida Pasipiko sa Asia World City |
| |
Dulo sa hilaga | Bulebar Jose Diokno sa may Sentrong Pangkultura ng Pilipinas |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Pasay at Parañaque |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Bulebar Macapagal (Ingles: Macapagal Boulevard), na kilala din bilang Abenida Macapagal (Macapagal Avenue), ay isang makabagong daang walo ang mga linya na kalinya ng Bulebar Roxas at dumadaan mula Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP), Pasay, hanggang Marina Bay Village sa Asia World City, Parañaque, sa Kalakhang Maynila, Pilipinas. Ang hilagang dulo nito ay sa Bulebar Jose Diokno sa may CCP, at ang katimugang dulo nito ay sa Abenida Pasipiko sa Asia World City. Babagtasin nito ang EDSA at Daang NAIA pagdaan. May mga rampa ng NAIA Expressway sa sangandaan nito sa Daang NAIA na nagbibigay-daan patungong Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino at Metro Manila Skyway. Ang haba nito ay 22.3 kilometro (13.9 milya).
Matatagpuan ito sa mga lugar na tinambakan (reclamation areas). May tatlong tulay ang daan na ito, at tumatawid ang mga ito sa mga "bambang" ("channels"). Ang pinakamalaki sa mga ito ay Libertad Channel, kung saan matatagpuan ang Libertad Water Pumping Station. Dahil sa pagbabago ng anyo ng sangandaan sa may EDSA para maibsan ang trapiko, ang Bulebar Macapagal ay ginagamit ngayon upang makadaan patungong SM Mall of Asia sa hilaga at Kabite sa timog. Isa rin itong pangunahing daan sa distritong tinambak na tinatawag na Bay City.