Bulebar Magsaysay Magsaysay Boulevard | |
---|---|
Bulebar Santa Mesa Santa Mesa Boulevard | |
![]() Ang ruta ng Bulebar Magsaysay sa Kalakhang Maynila. Nakapula ito sa mapa. | |
![]() Tanawin ng kanlurang bahagi ng Bulebar Magsaysay mula sa himpapawid. | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 2.2 km (1.4 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa kanluran | ![]() ![]() |
| |
Dulo sa silangan | ![]() ![]() |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Bulebar Magsaysay (Ingles: Magsaysay Boulevard; na tinatawag din sa pormal na ngalan nito na Bulebar Pangulong Ramon Magsaysay) ay ang pangunahing lansangang arteryal ng Santa Mesa sa Maynila, ang kabesera ng Pilipinas. Isa itong daang may pangitnang harangan at anim na linya (tatlo sa bawat direksyon) na dumadaan mula silangan pa-kanluran, mula Abenida Gregorio Araneta (malapit sa hangganan ng Maynila at Lungsod Quezon) hanggang Abenida Lacson sa may Nagtahan Flyover. Ang Linya 2 ay nagsisilbing panggitnang harangnan ng bulebar, at mayroon itong dalawang estasyong nakaangat sa bulebar: Pureza at V. Mapa. May haba itong 2.2 kilometro (1.4 milya).
Sa silangan tutuloy ito bilang Bulebar Aurora, habang sa kanluran tutuloy ito bilang Kalye Legarda sa pamamagitan ng isang flyover patungong Quiapo. Bahagi ito ng Daang Radyal Blg. 6 ng sistema ng daang arteryal sa Kamaynilaan at N180 ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.
Pinangalanan ito mula kay Ramon Magsaysay, ang ikapitong pangulo ng Pilipinas. Dati itong tinawag na Bulebar Santa Mesa (Santa Mesa Boulevard).[1]