Bulebar North Bay

Bulebar North Bay
North Bay Boulevard
Tanawin ng Bulebar North Bay patimog patungong Tondo, Maynila.
Impormasyon sa ruta
Haba2.0 km (1.2 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa hilagaKalye Mariano Naval sa Bagumbayan South
 
Dulo sa timogBulebar Honorio Lopez in San Rafael Village
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodNavotas
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Bulebar North Bay (Ingles: North Bay Boulevard) ay isang 2 kilometro (o 1 milyang) lansangang dalawa hanggang apat ang mga linya na dumadaan sa paligid ng Navotas Fish Port Complex sa hilagang Kalakhang Maynila, Pilipinas. Isa ito sa mga pangunahing daan sa Navotas na dumadaan mula hilaga-patimog kalinya ng Daang Marcos (R-10) sa kanluran. Ang hilagang dulo nito ay sa Kalye Mariano Naval sa Barangay Bagumbayan South, at ang katimugang dulo nito ay sa Bulebar Honorio Lopez sa San Rafael Village. Inuugnay nito ang Tondo sa timog sa Barangay Bagumbayan South sa hilaga. Pinangalanan ito sa kinaroroonan nito sa Look ng Maynila sa hilaga ng komplex ng Manila North Harbor.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne