Bulebar Shaw Shaw Boulevard | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 5.2 km (3.2 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa kanluran | N141 (Tulay ng Padre Sanchez) sa Maynila |
| |
Dulo sa silangan | N141 (Bulebar Pasig) sa Pasig |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Maynila, Mandaluyong, Pasig |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Bulebar Shaw (Ingles: Shaw Boulevard) ay isang lansangan na may anim hanggang sampung linya na kumokonekta sa mga lungsod ng Mandaluyong at Pasig sa Kalakhang Maynila, Pilipinas. May haba itong 5.2 kilometro (3.2 milya). Isa ito sa mga pangunahing lansangan ng Sentrong Ortigas sa Mandaluyong at Pasig, at matatagpuan dito ang maraming mga gusaling pamilihan tulad ng sentring pamilihan ng Starmall at pangmayamang Shangri-La Plaza sa sangandaang EDSA-Shaw intersection, at The Marketplace sa sangandaang Kalentong-Shaw.[1][2]
Bahagi ito ng Daang Radyal Blg. 5 (R-5) ng sistema ng daang arteryal ng Kamaynilaan. Nakapaloob ito sa Lansangang N141 (o Pambansang Ruta Blg. 141) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.