Bundok ng Sinai (Jabal Mūsá) | |
---|---|
![]() Tugatog ng Bundok ng Sinai | |
Pinakamataas na punto | |
Kataasan | 2,285 m (7,497 tal) |
Prominensya | 334 m (1,096 tal) ![]() |
Mga koordinado | 28°32′23″N 33°58′24″E / 28.53972°N 33.97333°E |
Heograpiya | |
Lokasyon | Santa Katerina, Gobernorado ng Timog Sinai, Ehipto |
Ang Bundok ng Sinai (Ingles: Mount Sinai, Arabe: طور سيناء Ṭūr Sīnāʼ o جبل موسى Jabal Mūsá ; Arabeng Ehipsiyo: Gabal Mūsa, literal na "Bundok ni Moises" o "Bundok Moises"; Hebreo: הר סיני Har Sinai ), na nakikilala rin bilang Bundok Horeb, ay isang bundok sa Tangway ng Sinai sa Ehipto na tradisyunal at pinaka tinatanggap na kinikilalang Pambibliyang Bundok ng Sinai. Subalit, mayroong mga pag-aangking ginawa ng ilang mga manunulat na katulad nina Bob Cornuke, Ron Wyatt at Lennart Moller, na naniniwalang ang totoong lokasyon ng Bundok ng Sinai ay ang Jabal al-Lawz sa Saudi Arabia.[1] Ang panghuli ay nabanggit nang maraming mga ulit sa Aklat ng Exodus sa Torah, sa Bibliya,[2] at sa Quran.[3] Ayon sa kaugaliang Hudyo, Kristiyano at Islamiko, ang pambibliyang Bundok ng Sinai ay ang lugar kung saan natanggap ni Moises ang Sampung mga Utos ng Diyos.