COEX Sentro ng Eksibisyon at Kumbensiyon | |
Hangul | 코엑스 |
---|---|
Binagong Romanisasyon | Koekseu |
McCune–Reischauer | K'oekseu |
Ang COEX Sentro ng Eksibisyon at Kumbensiyon sa distrito ng Gangnam sa Seoul ng Timog Korea ay isa sa pinakamalaking sentro ng kumbensiyon at eksibisyon. Ito ay dinisenyo ni Larry Oltmanns isang Design Partner sa SOM ng mga panahong iyon. Nakatayo sa bakuran ng World Trade Center Seoul o Korean World Trade Center, ang sayt na ay mayroong mga sentro ng kumbensiyon at eksibisyon, ang COEX shopping mall, dalawang luxury hotel, isang multiplex na sinehan, ang COEX Aquarium at ang Seven Luck Casino. Hanggang 200,000 na mga tao ang bumibisita sa bakuran para magtrabaho at mamili araw-araw.
Ang COEX ay pinagsisilbihan ng Estasyon ng Samseong sa ikalawang linya ng Seoul Subway[1].