Cagayan de Oro Dakbayan sa Cagayan de Oro Lungsod ng Cagayan de Oro | ||
---|---|---|
Ang Kalakhang Cagayan de Oro noong 2017 | ||
| ||
Mapa ng Misamis Oriental na nagpapakita ng lokasyon ng Cagayan de Oro. | ||
Mga koordinado: 8°29′N 124°39′E / 8.48°N 124.65°E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Hilagang Mindanao (Rehiyong X) | |
Lalawigan | Misamis Oriental | |
Distrito | Una hanggang pangalawang Distrito ng Misamis Oriental | |
Mga barangay | 80 (alamin) | |
Pagkatatag | 1871 | |
Ganap na Bayan | 1871 | |
Ganap na Lungsod | Hunyo 15, 1950 | |
Pamahalaan | ||
• Punong Lungsod | Oscar Moreno (PDP-Laban) | |
• Pangalawang Punong Lungsod | Rainier Joaquin Uy (PDP-Laban) | |
• Manghalalal | 372,293 botante (2022) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 412.80 km2 (159.38 milya kuwadrado) | |
Populasyon (Senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 728,402 | |
• Kapal | 1,800/km2 (4,600/milya kuwadrado) | |
• Kabahayan | 190,225 | |
Ekonomiya | ||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lungsod | |
• Antas ng kahirapan | 6.80% (2021)[2] | |
• Kita | (2020) | |
• Aset | (2020) | |
• Pananagutan | (2020) | |
• Paggasta | (2020) | |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | |
Kodigong Pangsulat | 9000 | |
PSGC | 104305000 | |
Kodigong pantawag | 88 | |
Uri ng klima | Tropikal na kagubatang klima | |
Mga wika | Sebwano Wikang Binukid Wikang Subanon wikang Tagalog | |
Websayt | cagayandeoro.gov.ph |
Ang Lungsod ng Cagayan de Oro (Cebuano: Dakbayan sa Cagayan de Oro); ay isang lungsod at kabisera ng lalawigan ng Misamis Oriental, Pilipinas. Nagsisilbi itong sentro ng rehiyon at ng kalakalan sa Hilagang Mindanao (Rehiyon X), at bahagi ng umuunlad na Kalakhang Cagayan de Oro, kasama ang lungsod ng El Salvador.
Matatagpuan ang lungsod ng Cagayan de Oro sa gitnang baybayin ng hilagang Mindanao na nakaharap sa Look ng Macajalar at naghahanggan sa mga bayan ng Opol sa kanluran; Tagoloan sa silangan, at sa mga lalawigan ng Bukidnon at Lanao del Norte sa katimugang bahagi ng lungsod. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 728,402 sa may 190,225 na kabahayan. Ito ang ika-10 pinakamataong lungsod sa Pilipinas.
Taong 2017 sa pagbabago ng Pederalismo sa Pilipinas, Ang lungsod ng Cagayan de Oro ang hinirang pa rin bilang kapitolyo sa Northern Mindanao.