Carl Friedrich Gauss | |
---|---|
![]() | |
Kapanganakan | Kamalian ng Lua na sa Module:Wd na nasa linyang 1890: bad argument #1 to 'ipairs' (table expected, got nil).
|
Kamatayan | 23 Pebrero 1855
|
Libingan | Albanifriedhof |
Mamamayan | Confederation of the Rhine Kingdom of Hanover |
Nagtapos | University of Helmstedt Unibersidad ng Göttingen Pamantasang Teknikal ng Braunschweig |
Trabaho | matematiko, geophysicist, astronomo, science writer, pisiko, heodesta, propesor ng unibersidad, estadistiko |
Asawa | Friederica Wilhelmine Waldeck Johanna Osthoff |
Anak | Eugene Gauss, Joseph Gauß, Wilhelmine Gauss, Therese Gauss |
Magulang |
|
Pirma | |
![]() |
Si Johann Carl Friedrich Gauss (bigkas: /ˈɡaʊs/; Aleman: Gauß listen (tulong·impormasyon), Latin: Carolus Fridericus Gauss) (30 Abril 1777 – 23 Pebrero 1855) ay isang Alemang matematiko at siyentipikong nagmula sa Göttingen, Alemanya. Nakapag-ambag siya ng malaki sa maraming mga larangan ng pag-aaral, katulad ng teoriya ng bilang, estadistika, matematikal na analisis, heometriya at topolohiyang dipirensiyal, heodesiya, elektrostatiks, astronomiya, at optika. Karamihan sa kanyang mga gawa ang tungkol sa teoriya ng bilang at astronomiya. Kilala kung minsan bilang Princeps mathematicorum[1] (Latin, "ang Prinsipe ng mga Matematiko" o "ang nangunguna sa mga matematiko") at "pinakadakilang matematiko magmula sa sinaunang panahon", nagkaroon siya ng natatanging impluho sa maraming mga larangan ng matematika at agham, at nakahanay bilang isa sa pinakamaimpluwensiyang mga matematiko sa kasaysayan.[2] Tinawag niya ang matematika bilang "ang reyna ng mga agham.""[3]
Isang batang matalino si Gauss. Maraming mga anekdotang patungkol sa kanyang katangian bilang isang bata, at nagawa niya ang kanyang unang mga pagkakatuklas na pangmatematika habang nasa kabataan pa lamang. Nabuo niya ang Disquisitiones Arithmeticae, ang kanyang magnum opus, noong 1798 sa edad na 21, bagaman nalathala lamang ito noong pagsapit ng 1801. Naging pundamental o mahalaga ang akdang ito sa pagsasama-sama ng teoriya ng bilang upang maging isang disiplina at nakahubog sa larangan magpahanggang sa kasalukuyang panahon.