Carlos P. Romulo | |
---|---|
Kapanganakan | Carlos Peña Romulo 14 Enero 1899 |
Kamatayan | 15 Disyembre 1985 |
Nasyonalidad | Pilipino |
Larangan | Panitikan |
Pinag-aralan/Kasanayan | Pamantasan ng Pilipinas, Pamantasang Columbia, Pamantasang Notre Dame, Indiana, Kolehiyong Rolins, Florida, Pamantasan ng Atenas |
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas | |
Panitikan 1982 |
Si Carlos Peña Romulo (14 Enero 1899, Camiling, Tarlac, Pilipinas - 15 Disyembre 1985, Maynila, Pilipinas) ay isang Pilipinong diplomatiko, politiko, sundalo, mamamahayag at manunulat. Sa gulang na labing-anim, naging isang tagapagbalita siya at naging isang patnugot naman ng isang pahayagan sa gulang na dalawampu. Nagkaroon siya ng palimbagan sa gulang na talumpu’t dalawa. Isa rin siya sa nagtatag ng Boy Scouts of the Philippines.