Si Carter Godwin Woodson (Disyembre 19, 1875 - Abril 3, 1950)[1] ay isang Aprikano Amerikanong manunulat ng kasaysayan, may-akda, tagapamahayag, at tagapagtatag ng Linggo ng Kasaysayan ng mga Itim, na naging Buwan ng Kasaysayan ng mga Itim. Itinuturing siya bilang unang nagsagawa ng makadalubhasang gawain upang mapatanyag ang halaga ng Kasaysayan ng mga Itim. Kinilala niya at nagsagawa ng mga gawain na nagpahalaga sa isang uri ng mga mamamayan na may pagpansin at kaalaman sa kanilang mga ambag sa sangkatauhan at nag-iwan siya ng isang kahangahangang pamana. Isa si Woodson sa mga nagtatag ng Samahan para sa Pag-aaral ng Buhay at Kasaysayan ng Aprikano Amerikano (Association for the Study of African American Life and History) at ng Dyaryo ng Kasaysayan ng mga Itim (The Journal of Negro History). Dati siyang kasapi ng unang kapatiran ng mga itim na Sigma Pi Phi at dati ring miyembro ng Omega Psi Phi.[2]. Kilala rin si Dr. Woodson bilang Ama ng Kasaysayan ng mga Itim.[3]
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link)