Cesar Augusto Augustus Caesar | |
---|---|
Emperador ng Imperyo Romano | |
Paghahari | Setyembre 23, 63 BCE–Agosto 19, 14 CE |
Pinaglibingan | Mausoleo ni Augusto, Roma |
Konsorte kay | (1) Clodia Pulchra 43–40 BC (2) Scribonia 40–38 BC (3) Livia Drusilla 38 BC–AD 14 |
Supling | Julia the Elder; Gaius Caesar (adoptive); Lucius Caesar (adoptive); Tiberius (ampon) |
Ama | Natural: Gaius Octavius; Adoptive: Julius Caesar (In 44 BC) |
Ina | Atia Balba Caesonia |
Si Cesar Augusto[1], Caesar Augustus, Augustus Caesar, o Imperator Caesar Divi filius Augustus (Setyembre 23, 63 BCE–Agosto 19, 14 CE), ipinanganak Gajus Julius Caesar Octavianus Augustus at kilala bilang Octavianus sa mga mananalaysay sa unang bahagi ng kaniyang buhay bago mag-27 BCE, ay ang kauna-unahan at itinuturing na isa sa pinakamahalagang Emperador Romano (naging emperador sa Roma mula 30 BK hanggang 14 AD[1]), bagaman iminaliit niya ang kaniyang sariling posisyon sa pamamagitan ng pagpili ng kinaugaliang titulong oligarkiya na princeps, madalas sinasalin bilang “unang mamamayan”. Bagaman ipinanatili niya ang panlabas na anyo ng Republikang Romano, namuno siya bilang isang awtokrata nang higit 40 taon. Winakasan niya ang isang dantaon ng digmaang sibil at binigyan ang Roma ng isang kapanahunan ng kapayapaan, kasaganaan, at imperyal na kadakilaan. Ang kapayapaang ito ay tinaguriang Pax Romana o Kapayapaang Romano. Kahit man mayroon pa ring mga digmaan sa hangganan ng imperyo, ay isang digmaang sibil na naganap, ang rehiyong Mediterraneo ay naging payapa sa dalawang siglo. Pinalaki ni Augustus ang Imperyo Romano, sinigurado ang mga hangganan ng imperyo at nakipag-kasundo sa Parthia..
Sa kaniya ipinangalan ang buwan ng Agosto, at sinasabi ring ninuno niya ang maalamat na bayaning Aeneas ng epikang Aeneis ni Vergilius.[2]
Ang mga artikuo ay bahagi sa pag-aaral ng Sinaunang Roma at ang pagbagsak ng Republika. | |
Republikang Romano, Mark Antony, Cleopatra VII, Pagpatay kay Julius Caesar, Pompey, Theatre of Pompey, Cicero, Unang Triumvirate |