Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin. (Enero 2014) |
Charles Darwin | |
---|---|
![]() Charles Darwin, edad 45 noong 1854 at gumagawa tungo sa paglilimbag ng On the Origin of Species | |
Kapanganakan | 12 Pebrero 1809 Mount House, Shrewsbury, Shropshire, Inglatera |
Kamatayan | 19 Abril 1882 Down House, Downe, Kent, Inglatera | (edad 73)
Nasyonalidad | British |
Mamamayan | British |
Nagtapos | (edukasyong tersiyaryo): University of Edinburgh (medisina) University of Cambridge (ordinaryong Batsilyer ng Sining) |
Kilala sa | The Voyage of the Beagle On the Origin of Species evolution by natural selection, karaniwang pinagmulan |
Asawa | Emma Darwin (1839–1896) |
Parangal | Royal Medal (1853) Wollaston Medal (1859) Copley Medal (1864) |
Karera sa agham | |
Larangan | Naturalista |
Institusyon | Geological Society of London |
Academic advisors | John Stevens Henslow Adam Sedgwick |
Impluwensiya | Alexander von Humboldt John Herschel Charles Lyell |
Naimpluwensiyahan | Joseph Dalton Hooker Thomas Henry Huxley George Romanes Ernst Haeckel |
Pirma | |
![]() |
Bahagi ng serye sa |
Biolohiyang ebolusyonaryo |
---|
![]() |
Mga mahahalagang paksa |
Mga larangan at aplikasyon
|
Social implications |
Si Charles Robert Darwin FRS (12 Pebrero 1809 – 19 Abril 1882) ay isang Ingles na naturalista.[I] Kanyang pinatunayan na ang lahat ng mga espesye ng buhay ay nagmula sa loob ng maraming panahon mula sa karaniwang mga ninuno,[1] at nagmungkahi ng teoriyang siyentipiko na ang sumasangay na paterno ng ebolusyon ay nagresulta mula sa isang prosesong tinatawag na natural na seleksiyon.[2] Inilimbag ni Darwin ang kanyang teoriya na may nakapipilit na ebidensiya para sa ebolusyon sa kanyang 1859 na aklat na On the Origin of Species(Tungkol sa Pinagmulan ng Espesye) na nanaig sa siyentipikong pagtakwil ng mas naunang mga konsepto ng transmutasyon ng mga espesye.[3][4] Nang mga 1870, ang pamayanang siyentipiko at karamihan sa pangkahalatang publiko ay tumanggap sa ebolusyon bilang isang katotohan. Gayunpaman, marami ang pumabor sa magkakalabang mga paliwanag at hanggang sa paglitaw lamang ng modernong ebolusyonaryong sintesis mula 1930 hanggang 1950 nang ang isang malawak na kasunduan ay nabuo kung saan ang natural na seleksiyon ang basiko o saligang mekanismo ng ebolusyon.[5][6] Sa binagong anyo, ang pagkakatuklas siyentipiko ni Darwin ang nagsasamang teoriya ng mga agham ng buhay na nagpapaliwanag sa dibersidad ng buhay.[7][8]
Ang simulang interes ni Darwin sa kalikasan ang tumulak sa kanya upang iwananan ang kanyang medikal na edukasyon sa Unibersidad ng Edinburgh; bagkus siya ay tumulong upang imbestigahan ang mga marinong inbertebrato. Ang mga pag-aaral sa Unibersidad ng Cambridge ang humikayat sa kanyang pasyon para sa natural na agham.[9] Ang kanyang limang taong paglalakbay sa HMS Beagle ang nagtayo sa kanya bilang isang bantog na heolohista na ang mga obserbasyon at teoriya ay sumuporta sa mga ideyang unipormitaryano ni Charles Lyell at ang publikasyon ng kanyang hornal sa paglalakbay ay nagpasikat sa kanya bilang isang manunulat.[10]
Bilang palaisipan sa heograpikal na distribusyon ng mga hayop sa kaparangan (wildlife) at mga fossil na kanyang tinipon sa paglalakbay, sinimulan ni Darwin ang detalyadong mga imbestigasyon at noong 1838 ay binuo ang kanyang teoriya ng natural na seleksiyon. [11] Bagaman kanyang tinalakay ang kanyang mga ideya sa ibang mga naturalista, siya ay nangailangan ng panahon para sa masidhing pagsasalisik at ang kanyang kanyang gawang heolohikal ang may prioridad.[12] Kanyang sinusulat ang kanyang teoriya noong 1858 nang si Alfred Russel Wallace ay nagpadala sa kanya ng sanaysay na naglalarawan ng parehong ieya na tumulak sa mabilis na magkasamang publikasyon ng kanilang parehong mga teoriya.[13] Ang akda ni Darwin ang naglatag ng ebolusyonaryong pinagmulan na may pagbabago bilang nananaig na siyentipikong paliwanag ng dibersipikasyon sa kalikasan.[5] Noong 1871, kanyang siniyasat ang ebolusyon ng tao at ang seksuwal na seleksiyon sa The Descent of Man, and Selection in Relation to Sex na sinundan ng The Expression of the Emotions in Man and Animals. Ang kanyang pagsasaliksik sa mga halaman ay inilimbag sa isang serye ng mga aklat at sa kanyang huling aklat, kanyang siniyasat ang mga bulate at ang mga epekto nito sa lupa.[14] Bilang pagkilala sa katanyagan ni Darwin bilang isang siyentipiko, siya ay pinarangalan ng isang malaking seremonyal na puneral sa Westminster Abbey kung saan siya inilibing malapit kay John Herschel at Isaac Newton.[15] Si Darwin ay inilarawan bilang isa sa pinakamaimpluwensiya (most influential) na pigura sa kasaysayan ng sangkatauhan.[16][17]
In The Origin, Darwin provided an alternative hypothesis for the development, diversification, and design of life. Much of that book presents evidence that not only supports evolution but at the same time refutes creationism. In Darwin's day, the evidence for his theories was compelling but not completely decisive.
Darwin's solution is a magnificent synthesis of evidence...a synthesis...compelling in honesty and comprehensiveness
{{cite book}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)