artista sa pelikula, artista sa teatro, artista sa telebisyon, direktor ng pelikula, film screenwriter
Anak
Cho Su-hun, Cho Hye-jung
Si Cho Jae-hyun (ipinanganak Hunyo30, 1965) ay isang artista sa pelikula, entablado at telebisyon na mula sa Timog Korea. Ipinanganak siya sa Seoul noong 1965. Karaniwan siyang tinatawag bilang "katauhan ni direktor Kim Ki-duk" yayamang bumida si Cho bilang pangunahin at pang-suportang karakter sa halos lahat ng mga pelikulang dinirehe ni Kim.[1][2][3]
Tagapangulo din si Cho ng Gyeonggi Film Council simula pa noong 2009,[4] ehekutibong direktor pang-piyesta ng DMZ International Documentary Film Festival (DMZ Docs) simula pa noong 2009,[5][6] tagapangulo ng Gyeonggi Arts Center simula pa noong 2010,[7] isang asosyadong propesor sa College of Convergence Culture and Arts ng Sungshin Women's University simula pa noong 2012,[8] at isang asosyadong propesor sa Department of Theater and Film ng Kyungsung University simula pa noong 2014.[9]
↑"ko:조재현" [Cho Jae-hyun]. Korean Movie Database (KMDb) (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2010-02-11.
↑조재현 "김기덕 감독, 연기인생의 은인". Hankook Ilbo (sa Koreano). 11 Marso 2006. Hinango noong 2012-11-19.