Cogie Domingo

Cogie Domingo
Kapanganakan
Redmond Christopher Domingo

(1980-08-15) 15 Agosto 1980 (edad 44)
Tangkad1.70 m (5 ft 7 in)

Si Cogie Domingo (ipinanganak noong Agosto 15, 1980 bilang Redmond Christopher Domingo) ay isang aktor at modelo. Sa edad na 10, siya ay sumali sa cast ng Cyberkada ng ABS-CBN. Ito ay sinundan ng pelikulang Sa Piling ng mga Aswang ng Regal Films kung saan nakasama niya si Maricel Soriano. Ang kanyang sumunod na proyekto ay ang Yakapin Mo ang Umaga kung saan siya ay gumanap na anak nina Christopher de Leon at Lorna Tolentino. Ang pinakakilalang papel na kanyang ginampananan ay ang batang preso sa pelikulang Deathrow noong 2000 kasama si Eddie Garcia.

Si Cogie ay kasalukuyang nakakontrata bilang artista ng GMA Network.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne