Curry mee

Curry mee
UriSinabawang pansit
Rehiyon o bansaMaritimong Timog-silangang Asya
Kaugnay na lutuinMalasya at Singapura[1]
Pangunahing SangkapPansit, sambal (sarsang sili), gata, yerba

Ang curry mee (Malay: mi kari; Tsinong pinapayak: 咖喱面; Tsinong tradisyonal: 咖喱麵; pinyin: Gālímiàn) ay isang maanghang na sinabawang pansit sa Maritimong Timog-silangang Asya na sinasahugan ng samu't saring sangkap. Sa Johor at Singapura, tinatawag itong curry laksa (Malay: kari mi; Tsino: 咖喱喇沙; pinyin: Gālí Lǎshā) minsan.[2] Sa Malasya at Singapura, may maraming uri ng ulam, kasama rito ang mga paghahanda na may mas tuyo o mas malapot na sarsa.

  1. Ken Hom (5 Enero 2012). My Kitchen Table: 100 Easy Chinese Suppers [Aking Lamesang Pangkusina: 100 Madaling Hapunang Tsino] (sa wikang Ingles). Ebury Publishing. ISBN 978-1-4464-1725-6.
  2. "Curry Mee (Curry Laksa)". Rasa Malaysia (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Oktubre 2022. Nakuha noong 30 Marso 2021.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne