![]() ![]() Daang Elliptical | |
---|---|
Daang QMC | |
![]() Daang Elliptical na tanaw mula sa Gusaling Panlungsod ng Lungsod Quezon | |
![]() | |
Lokasyon | |
Lungsod Quezon | |
Mga koordinado | 14°39′05″N 121°02′58″E / 14.651489°N 121.049309°E |
Mga lansangan sa daanan | ![]() Abenida Visayas ![]() ![]() ![]() Abenida Kalayaan Kalye Maharlika |
Konstruksiyon | |
Uri | Rotonda |
Mga landas | 8 |
Pinangangasiwaan ng | Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) - Quezon City 2nd District Engineering Office |
Ang Daang Elliptical (Ingles: Elliptical Road; o kilala din sa tawag na QMC Road) na maaaring tukuyin nang literal bilang Daang Patambilog, ay isang malaking rotonda (roundabout)[1] at kilalang pook sa Lungsod Quezon, Pilipinas. Nililibot nito ang Quezon Memorial Circle. Ang haba nito ay dalawang kilometro, at nahahati ito sa walong linya (kung saan tatlo sa mga ito ay mga pangunahing linya, apat ay para sa mga sasakyang papalabas ng rotonda, at isa ay para sa mga bisikleta at pedicab. Ang pag-ikot sa rotonda na ito ay sa direksiyong pa-counterclockwise (o direksiyong salungat sa direksiyon ng mga kamay ng orasan). Pinangalanan ito sa hugis nito na patambilog (elliptical shape).
Isang mahalagang bahagi ng Daang Radyal Blg. 7 (o R-7) ang Daang Elliptical.