Daang Juanito Remulla Sr. Juanito Remulla Sr. Road | |
---|---|
Daang Governor (Governor's Drive; dating pangalan) | |
![]() | |
![]() Daang Governor sa General Mariano Alvarez, Kabite. | |
Impormasyon sa ruta | |
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) – Cavite 1st District Engineering Office, Cavite 2nd District Engineering Office, at Cavite Sub-District Engineering Office | |
Haba | 58.3 km (36.2 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa silangan | Tulay ng Soro-Soro sa Biñan, Laguna |
Dulo sa kanluran | Sangandaang Palay-palay sa Ternate, Kabite |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Dasmariñas, Trece Martires, Heneral Trias |
Mga bayan | Carmona, General Mariano Alvarez, Tanza, Naic, Ternate |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Daang Juanito Remulla Sr. (Ingles: Juanito Remulla Sr. Road), na malimit na tinatawag pa rin ng madla sa dati nitong pangalan na Daang Governor (Ingles: Governor's Drive), ay isang mahalagang lansangan na dumadaan sa mga gitnang lungsod at bayan ng lalawigan ng Kabite. May dalawa hanggang siyam na linya ang lansangan, na may haba na 58.3 kilometro (36.2 milya). Pinakamalawak ito sa tatlong lansangan ng Kabite, ang mga ibang lansangan ay Lansangang Aguinaldo at Lansangang Antero Soriano. Bahagi ang lansangan ng isang serye ng mga pambansang lansangan, na nakanumerong N403, N405, N65, at N651
Ang silangang dulo ng lansangan ay sa Tulay ng Soro-Soro sa Biñan, Laguna, at pagkatapos ay daraan ito sa Carmona, General Mariano Alvarez, Dasmariñas, Heneral Trias, Trece Martires, katimugang Tanza, tatawid ng Lansangang Antero Soriano sa Naic, at tatapos sa Sangandaang Palay-Palay sa Ternate.
Pangkaramihang nakalatag ng kongkreto ang lansangan, subalit isinasailalalim sa pagsasaayos ang ilang bahagi nito at nilalatagan ng aspalto.