Mula itaas, kaliwa-pakanan: Bulebar Roxas malapit sa Embahada ng Hapon sa Pasay sa gabi; Bulebar Roxas sa sangandaan nito sa Abenida Quirino sa Malate, Maynila; Tarangkahang Pambayad ng Las Piñas ng Manila–Cavite Expressway (CAVITEx); Karugtong ng CAVITEx patungong Kawit, tanaw mula sa Labasan ng Bacoor. |
Hilagang dulo: Tulay ng Roxas sa Maynila Katimugang dulo: Daang Governor sa Naic, Kabite |
Ang Daang Radyal Bilang Isa (Ingles: Radial Road 1), na mas-kilala bilang R-1, ay isang pinag-ugnay na mga daan at tulay na bumubuo sa pinakaunang daang radyal ng Maynila sa Pilipinas.[1] May haba itong 41.5 kilometro (o 25.8 milya), at kinokonektahan nito ang lungsod ng Maynila sa mga lungsod ng Pasay, Parañaque, at Las Piñas sa Kalakhang Maynila, at Bacoor, Imus, Kawit, Noveleta, General Trias, Tanza, at Naic lalawigan ng Cavite.