Daang Radyal Blg. 4

Daang Radyal Blg. 4
R-4
Mula itaas: Abenida Kalayaan sa Barangay Olympia, Makati; Abenida Kalayaan sa Fort Bonifacio, Makati (silangan ng EDSA)
Kanlurang dulo: Kalye Pedro Gil sa Maynila
Silangang dulo: Taytay Diversion Road sa Taytay, Rizal

Ang Daang Radyal Bilang Apat (Ingles: Radial Road 4; na itinakda bilang R-4) ay isang pinag-ugnay na mga daanan at tulay na, kapag pinagsama, ay mabubuo sa ikaapat na daang radyal ng Kamaynilaan sa Pilipinas.[1] Matatagpuan ito sa timog ng Ilog Pasig. Pinag-uugnayan nito ang Lungsod ng Maynila sa Makati at Pasig, at sa di-kalaunan, sa lalawigan ng Rizal sa silangan. Kalinya ng R-4 ang R-5 na matatagpuan sa hilaga ng Ilog Pasig. Subalit sa kasalukuyan, tanging ilang bahagi lamang ng daang radyal ay kumpleto o naitayo na.

  1. "Metro Manila Infrastructure Development" (PDF). University of the Philippines Diliman. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2017-08-10. Nakuha noong 24 Hulyo 2015.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne