Daang Radyal Blg. 8

Daang Radyal Blg. 8
R-8
Mula itaas, kaliwa-pakanan: Bulebar Quezon; Abenida Bonifacio; NLEX sa Valenzuela; NLEX sa San Simon, Pampanga; TPLEX sa Pura, Tarlac)
Katimugang dulo: Bulebar Quezon sa Maynila
Hilagang dulo: Daang Pugo–Rosario sa Rosario, La Union

Ang Daang Radyal Bilang Walo (Ingles: Radial Road 8), o mas-kilala bilang R-8, ay isang pinagugnay na mga daan at tulay na pag-pinagsama ay bumubuo sa ikawalong daang radyal ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas.[1]

Dumadaan ito mula hilaga patimog sa hilagang Kalakhang Maynila at inuugnay nito ang Maynila sa mga lungsod ng Lungsod Quezon, Caloocan, at Valenzuela, at mga hilagang lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Tarlac, Pangasinan, at La Union. Ang bahagi ng R-8 sa pagitan ng Guiguinto at Balintawak ay itinakda bilang bahagi ng pinagugnay na Pan-Philippine Highway (o AH26). 

  1. "Metro Manila Infrastructure Development" (PDF). University of the Philippines Diliman. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2017-08-10. Nakuha noong 12 Hulyo 2015.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne