Ang Mediteraneo[1], Mediteranyo, o Mediteranea[2] ay isang dagat ng Karagatang Atlantiko na halos natatakpan ng mga anyong-lupa. Kabilang na dito ang Europa sa hilaga, Aprika sa timog at Asya sa silangan. May sukat itong 2.5 milyong km² (965,000 mi kuw). Ang tanging koneksiyon nito sa Atlantiko ay ang Kipot ng Gibraltar na 14 km² (9 mi) lamang ang lawak. Sa oseanograpiya, tinatawag itong Dagat Europea-Mediteranea para matukoy ito sa iba pang uri ng dagat sa Mediteraneo.
Ang dagat na ito ay naging mahalaga sa pakikipagkalakalan at paglalakbay noong sinaunang panahon. Ang mga kulturang nakinabang sa dagat ay ang Mesopotamiya, Ehipto, Semetiko, Persa, Penisyano, Kartago, Griyego, Lebantino at mga Romano.