Dagat Timog Tsina

Dagat Timog Tsina
Larawang satelayt ng Dagat Timog Tsina
Ang hilaga-silangang bahagi ng Dagat Timog Tsina
Mga koordinado12°N 113°E / 12°N 113°E / 12; 113
UriDagat
Pinagmumulang ilog
Mga bansang beysin
Pang-ibabaw na sukat3,500,000 square kilometre (1,400,000 mi kuw)
Mga islaTalaan ng mga pulo sa Dagat Timog Tsina
Mga trintsera
Mga pamayanan

Ang Dagat Timog Tsina (Ingles: South China Sea) ay isang marhinal na dagat na bahagi ng Karagatang Pasipiko. May lawak ito na mahigit-kumulang 3.5 milyong kilometrong kuwadrado (1.35 milyong milyang kuwadrado), na umaabot mula sa mga Kipot ng Karimata at Malaka sa Kipot ng Taiwan. Nagdadala ito ng napakalaking kahalagahang estratehiko; sangkatlo ng lahat ng mga barko ng mundo ay dumaraan sa dagat na ito at nagdadala ng mahigit na $3 trilyon sa kalakalan kada taon.[1] Nagtataglay ito kapaki-pakinabang na mga pangisdaan na napakahalaga para sa seguridad sa pagkain ng milyun-milyong mga mamamayan ng Timog-silangang Asya. Pinaniniwalaang may malalaking mga reserba ng langis at likas na gas sa ilalim ng pinakasahig ng dagat.[2]

Ayon sa ikatlong edisyon ng Limits of Oceans and Seas (1953) ng Internasyunal na Samahang Hidrograpiko (IHO) and Seas, ito ay matatagpuan sa[3]

Ngunit sa hindi pa aprubadong borador nito ng ikaapat na edisyon (1986),[4] ipinanukala ng IHO ang Dagat Natuna, kaya lumipat ang katimugang hangganan ng Dagat Timog Tsina pahilaga, mula sa hilaga ng Kapuluang Bangka Belitung papunta sa

May libu-libong maliliit na mga kapuluan sa Dagat Timog Tsina, kabilang ang Kapuluang Spratly, Kapuluang Paracel, at Kapuluang Pratas. Ang dagat at ang karamiha'y mga hindi tinirhang pulo ay paksa ng mga pinagtatalunang pag-aangkin ng soberanya ng ilang mga bansa. Ang mga pag-aangkin na ito ay masasalamin sa samu't-saring mga pangalan na ginagamit para sa mga pulo at sa dagat. Isa na rito ang "West Philippine Sea" na opisyal na katawagan para sa bahagi ng dagat na sakop ng inaangking eksklusibong sonang ekonomiko (EEZ) ng Pilipinas.

  1. [1] ChinaPower, August 4, 2017.
  2. A look at the top issues at Asian security meeting Associated Press, Robin McDowell, July 21, 2011.
  3. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang IHO); $2
  4. "IHO PUBLICATION S-23, Limits of Oceans and Seas, Draft 4th Edition, 1986". IHO. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-04-12. Nakuha noong 2019-07-31.
  5. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang IHO-1986); $2

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne