Ang Daigdíg[1] (sagisag: ; eng: Earth), o ang Lupà o ang Tiyera (Espanyol: Tierra) ay ang ikatlong planeta mula sa Araw, ang pinakamasukal na planeta sa Sistemang Solar, ang pinakamalaki sa apat na planetang terestriyal ng Sistemang Solar, at ang kaisa-isang planeta kung saan maaaring tumirá ang mga buháy na organismo.
Ayon sa pagpepetsang radyometriko at iba pang pinagmula ng ebidensiya, ang Daigdig ay nabuo mga 4.57 bilyong taon na ang nakalipas. Ang Daigdig ay grabitasyonal na nakikisalamuha sa iba pang mga bagay sa kalawakan, lalo na ang Araw at ang Buwan. Sa loob ng isang orbit sa Araw, ang Daigdig ay umiikot sa aksis nitó nang 366.62 beses, na lumilikha ng 365.26 araw na solar o isang sidereal year.[n 7] Ang aksis ng pag-ikot ng Daigdig ay nakatagilid nang 23.4° palayo mula sa perpendikular ng kapatagang orbital nitó, na lumilika naman ng mga baryasyon sa panahon sa rabaw ng plante sa loob ng isang taong tropikal (365.24 araw na solar).[30]Ang Buwan lámang ang permanenteng likás na satelayt ng Daigdig. Ang pakikisalamuhang grabitasyonal nitó sa Dagidig ang nagdudulot ng pagtaas ng tubig sa dagat, nagpapapirmi sa oryentasyon ng Daigdig sa kaniyang aksis ng pag-ikot, at unti-unting nagpapabagal sa tulin ng pag-ikot ng Daigdig.
Ang litospera ng Daigdig ay nahahati sa ilang rigid tectonic plates na dumadayo sa rabaw nitó sa loob ng milyon-milyong taon. Ang 71 bahagdan ng rabaw ng Daigdig ay nababalot ng tubig, at ang natitirá ay binubuo ng mga lupalop at pulo na may mga lawas ng tubig na bumubuo naman sa hidrospera. Ang mga polar regions ng Daigdig na halos lahat ay natatakpan ng yelo kabílang ang Antarctic ice sheet at ang sea ice ng Arctic ice pack. Ang loob ng Daigdig ay nananatiling aktibo na may solidong bakal na inner core, likidong outer core na lumilikha ng magnetic field, at ang convecting mantel na kumokontrol sa mga plate tectonics.