Dakilang Saserdote ng Israel

Ang Dakilang Saserdote ng Israel(Wikang Hebreo: Kohen Gadol) ang mga Dakilang Saserdote ng mga Sinaunang Israelita at Hudaismo. Ang mga Dakilang Saserdote ng Israel ay mula sa pamilya ng angkan ni Aaron ayon sa Bibliya na nakatatandang kapatid ni Moises sa pamamagitan ni Zadok na Saserdote sa panahon nina David at Solomon. Ang tradisyong ito ay nagwakas noong ika-2 siglo BCE sa pamumuno ng Kahariang Hasmoneo nang ang posisyon ng Dakilang Saserdote ay walang kaugnayan kay Zadok.

Ang Banal ng mga Banal sa Templo ni Solomon at Ikalawang Templo sa Herusalem na tanging mga Dakilang Saserdote lamang ang makakapasok tuwing Yom Kippur.

Ayon sa Bibliya, tanging ang mga Dakilang Saserdote ng Israel ay makakapasok sa Banal ng mga Banal sa Templo ni Solomon at papasok rito ng isang beses kada tao sa Yom Kippur upang maghandog ng dugong handog at insenso.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne