Dario III | |
---|---|
Hari ng Persa Hari ng Babilonya Paraon ng Ehipto
| |
![]() | |
Detalye ni Dario III mula sa Mosaic ni Alejandro | |
Panahon | 336–330 BK |
Sinundan | Artaxerxes IV Arses |
Sumunod | Artaxerxes V Bessus |
Panahon | 336–332 BK |
Sinundan | Artaxerxes IV |
Sumunod | Alejandro ang Dakila |
Asawa | Stateira I |
Anak | Stateira II Drypetis |
Lalad | Dinastiyang Akemenida |
Ama | si Arsames ng Ostanes |
Ina | Sisygambis |
Kapanganakan | c. 380 BK Persiya |
Kamatayan | Hulyo 330 BK (edad 49 o 50) Bactria |
Libingan | Persepolis |
Pananampalataya | Zoroastrianismo |
Si Dario III (m. 380–Hulyo 330 BK), orihinal na nagngangalang Artashata at tinawag na Codomannus ng mga Griyego,[1] ang huling hari ng Imperyong Akemenida ng Persiya mula 336 BK hanggang 330 BK. Inangkin ni Artashata ang Darius bilang isang pangalang pandinastiko.[1]
Ang kanyang imperyo ay hindi matatag, na may malalaking bahagi na pinangangasiwaan ng mga naninibugho na mga satrapa at tinitirhan ng mga hindi nasisiyahan at rebeldeng mga pinamamahalaan.
Noong 334 BK, sinimulan ni Alejandro ang Dakila ang pagsalakay niya sa Imperyong Persa at kalaunan ay natalo ang mga Persa sa ilang bilan ng mga labanan bago ang pagnanakaw at pagsira sa kabisera ng Persepolis sa pamamagitan ng pagsunog noong 330 BK. Sa ilalim ng kontrol ni Alejandro sa Imperyong Persa, nagpasiya si Alejandro na tugisin si Dario. Gayunpaman bago siya maabutan ni Alejandro, pinatay si Dario ng satrapa na si Bessus, isang pinsan niya.