Darna | |
---|---|
Impormasyon ng paglalathala | |
Unang paglabas | Pilipino Komiks, #77 (Mayo 13, 1950) |
Tagapaglikha | Mars Ravelo Nestor Redondo |
Impormasyon sa loob ng kwento | |
Ibang katauhan | Narda |
Espesye | Nagbabagong-anyong tao / pinaghalong extra-terrestrial |
Lugar ng pinagmulan | Pilipinas |
Kasaping pangkat | Captain Barbell Dyesebel |
Kilalang alyas | Daria (alternatibong mortal na pagbabalatkayo) |
Kakayahan |
Mga kakayahan ni Darna:
|
Si Darna (pagbigkas sa Tagalog: [daɾna]) ay isang kathang-isip na superhero na lumalabas sa mga komiks mula sa Pilipinas. Nilikha ang karakter para sa Pilipino Komiks ng manunulat na si Mars Ravelo at tagaguhit na si Nestor Redondo noong 1950. Una siyang lumabas sa Pilipino Komiks (Ace Publications, Inc.) #77 noong Mayo 13, 1950.[1] Si Darna ay muling pagbabago ng naunang karakter ni Ravelo na si Varga, na ang kuwento at ilustrasyon ay ginawa niya mismo. Unang lumabas ang karakter na ito sa Bulaklak Magazine, Bolyum 4, #17 noong Hulyo 23, 1947. Umalis si Ravelo sa Bulaklak dahil sa hindi pagkakasundo sa mga patnugot ng publikasyon.[2] Isa sa mga pinakatanyag na superhero na Pilipino, lumabas si Darna sa maraming mga pelikula at ilang seryeng pantelebisyon. hello hehehhe
Si Darna ay isang namatay na taga-ibang planeta o extra-terrestrial na mandirigma na lumalabas sa pamamagitan ng salamangka sa isang babaeng mula sa Daigdig na nagngagalang Narda. Pakatapos lunokin ni Narda ang Puting Bato na may mahika at isigaw ang "Darna," nagbabagong-anyo siya sa makapangyarihang mandirigmang si Darna. Bilang Darna, ipinagtatanggol niya ang mga naaapi at nilalabanan ang mga kriminal at mga kampon ng kasamaan, isa na dito si Valentina, isang babaeng may buhok na ahas na parang si Medusa. Madalas siyang samahan ng kanyang nakakabatang kapatid na si Ding. May ilang mga alternatibong bersyon ni Darna na binagyan ng bagong katauhan sa paglipas ng mga taon. Chat nyo po ako: MaryJane Santos
Natatangi at ikoniko ang itsura ni Darna: kadalasang nakasuot siya ng pulang bikini na may mga ginutuang bituin sa bawat takip ng bra; pulang kalubkob na napapalamutian ng gintong medalyong may pakpak; gintong pulseras; gintong medalyong sinturon na may bahag sa gitna; at halos hanggang tuhod na pulang bota. Malawak na tinuturing si Darna bilang ikono sa kalinangan ng Pilipinas, at tinuturing na pinakabantog na superhero na karakter sa Pilipinas.[3]
Malawak na hinalaw at ginampanan ang karakter sa ibang anyo ng midya, kabilang ang mga pelikula at seryeng pantelebisyon, Kabilang sa ilang mga artista na ginampanan si Darna sa pelikula at telebisyon sina Rosa del Rosario, Liza Moreno, Eva Montes, Gina Pareño, Vilma Santos, Lorna Tolentino, Rio Locsin, Sharon Cuneta, Nanette Medved, Anjanette Abayari, Regine Velasquez, Angel Locsin, at Marian Rivera.[4]