Delhi दिल्ली देहली دهلي دہلی | |
---|---|
megacity, metropolis, largest city, administrative territorial entity, national capital | |
![]() | |
![]() | |
![]() | |
Mga koordinado: 28°42′N 77°12′E / 28.7°N 77.2°E | |
Bansa | ![]() |
Lokasyon | National Capital Territory of Delhi, India |
Itinatag | 500 dekada BCE (Huliyano) |
Bahagi | Talaan
|
Lawak | |
• Kabuuan | 1,397.3 km2 (539.5 milya kuwadrado) |
Populasyon (2016) | |
• Kabuuan | 26,495,000 |
• Kapal | 19,000/km2 (49,000/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+05:30 |
Plaka ng sasakyan | DL-xx |
Websayt | https://mcdonline.nic.in/ |
Ang Lungsod ng Delhi ay isang lungsod sa estado ng Delhi sa bansang Indiya. Ito ay pormal na tinatawag na National Capital Territory of Delhi (NCT) (Pambansang Kabiserang Teritoryo ng Delhi) at napapaligiraan ng Haryana sa tatlong gilid nito habang sa silangan nito makikita ang Uttar Pradesh. Ayon sa sensus ng 2011, ang populasyon ng Delhi sa sakop ng lungsod ay higit sa 11 milyon[1], ang pangalawang pinakamataas sa Indiya pagkatapos ng Mumbai, habang ang buong populasyon ng NCT ay humigit-kumulang 16.8 milyon.[2]
Ang pook na urbano ng Delhi ay itinuturing ngayong napakalawak na may hangganang lampas pa sa NCT. Kasama rito ang kalapit na mga lungsod ng Faridabad, Gurgaon, Noida at Ghaziabad sa isang lugar na tinatawag ngayong Central National Capital Region (CNCR) o Sentral na Pambansang Kabiserang Rehiyon na may tinatayang populasyon noong 2016 na higit sa 26 milyong katao, na rason kung kaya ito ay tinaguriang ikalawang pinakamalaking pook na urbano sa mundo ayon sa Mga Nagkakaisang Bansa. [3] Mayroong siyam na distrito ang Delhi: Gitnang Delhi, Silangan Delhi, New Delhi, Hilagang Delhi, Hilagang-silangang Delhi, Hilagang-kanlurang Delhi, Timog Delhi, Timog-kanlurang Delhi, at Kanlurang Delhi.