Ang dibdib ay isang bahagi ng anatomiya ng mga tao at ibang mga hayop. Nasa harapan ito ng torso. Tinatawag din itong busto[1], partikular na ang pang-itaas na bahagi sa katawan ng isang babae kasama ang kinalalagyan ng mga suso. Ang salitang pektoral o pektoralis ay may kahulugang "nauukol sa dibdib".[2] na may kaugnayan din sa pariralang Latin na in pectore o "nasa loob ng dibdib".