Digmaan sa Donbas

Digmaan sa Donbas
Petsa6 Abril 2014 (2014-04-06) – kasalukuyan
Lookasyon
Donbass, kasali ang:
Mga oblast ng Donetsk at Luhansk
Katayuan

Stalemate

  • Nakuha ng mga separatista ang ilang bahagi ng mga oblast ng Donetsk at Luhansk
    • Nakialam ang Rusya sa digmaan
  • Pinabagsak ang Malaysia Airlines Flight 17; 298 ang namatay
  • Ang Minsk Protocol ay nilagdaan noong 5 Setyembre 2014
  • Nabuo ang Komisyong Donbass dahilan upang mapasailalim sa de facto kontrol ang Donbass sa Rusya
  • Umepekto ang Minsk II noong 15 Pebrero 2015; nakuha ng DPR at LPR ang Debaltseve
  • Ang pagpapatupad muli sa Minsk II ay nagawa noong 1 Setyembre 2015
Mga nakipagdigma

Donetsk People's Republic
Luhansk People's Republic


 Rusya
 Ukraine

Ang Digmaan sa Donbas ay isang digmaan na kasalukuyang nangyayari sa rehiyon ng Donbass sa Ukraine. Sa pagsisimula ng Marso 2014, kabi-kabilang demonstrasyon ng mga taong panig sa Rusya ang naganap sa mga oblast ng Donetsk at Luhansk na tinatawag ding "Donbass" kasunod ng Rebolusyong Ukranyano na nagpatalsik kay Viktor Yanukovych. Ang mga demonstrasyon na ito ay humantong sa digmaan sa pagitan ng mga separatista ng Donetsk at Republikang Bayan ng Luhansk at ng pamahalaan ng Ukraine.

Sa pagitan ng 22–25 Agosto 2014, pumasok sa teritoryo ng Ukraine ang mga tropa ng Rusya nang walang pahintulot sa gobyerno ng Ukraine. Ang mga pagpasok na ito ay naganap sa mga teritoryong hawak ng mga separatista. Tinawag naman ng mga opisyal na Ukranyano at ng mga bansa sa Kanluran ang ginawa ng Rusya bilang "lihim na pananakop" sa Ukraine. Dahil dito, nabawi ng mga separatista ang mga teritoryong nawala sa nakalipas na mga opensiba ng mga puwersa ng gobyerno.

Para magkaroon ng tigil-putukan, nilagdaan ng magkabilang kampo ang Minsk Protocol noong 5 Setyembre 2014. Tuluyang nawala ang tigil-putukan noong Enero 2015, nang nagsimula muli ang labanan ng magkabilang kampo. Isang bagong kasunduang tigil-putukan, na tinawag na Minsk II, ang nilagdaan noong 12 Pebrero 2015. Ilang sandali matapos nilagdaan ang kasunduan, naglunsad ang mga separatista ng isang opensiba sa Debaltseve at napilitang umatras ang mga hukbong Ukranyano doon. Ilang buwan pagkatapos makuha ang Debaltseve, mangilan-ilang paring mga engkuwentro ang nagaganap pero wala nang nangyayaring pagbabago sa teritoryo. Dahil matagal nang hindi nagbabago ang teritoryo ng magkabilang panig, tinawag ang digmaan bilang "frozen conflict".


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne