Hilagang Biyetnam & Viet Cong 30,000–182,000 patay na sibilyan[11]:176[21][22]:450–453[23] 849,018 patay na militar (ayon sa Biyetnam; 1/3 kamatayan na mga di-lumalaban)[24][25][26] 666,000–950,765 namatay (taya ng Estados Unidos 1964–1974)[A 6][21][22]:450–451 232,000–300,000+ nawawalang militar (ayon sa Biyetnam)[24][27] 600,000+ nasugatang militar[28]:739
Estados Unidos: 58,281 namatay[36] (47,434 mula sa lumalaban)[37][38] 303,644 nasugatan (kabilang ang 150,341 na hindi nangangailangan ng pangangalaga ng ospital)[A 7]
Kabuuang patay na militar: 333,620 (1960–1974) – 392,364 (kabuuan) Kabuuang nasugatang militar: ≈1,340,000+[11]: (kabilang ang FARK at FANK) Kabuuang nabihag na militar: ≈1,000,000+
Namatay na sibilyang Biyetnames: 405,000–2,000,000[22]:450–453[50][51]
Kabuuang namatay na Biyetnames: 966,000[21]–3,010,000[51]
Namatay sa Digmaang Sibil ng Kambodya: 275,000–310,000[52][53][54]
Namatay sa Digmaang Sibil ng Laos: 20,000–62,000[51]
Namatay na militar na di Indotsino: 65,494
Kabuuang namatay: 1,326,494–3,447,494
Lumaban ang FULRO ng isang insurhensiya laban sa parehong Timog Biyetnam at Hilagang Biyetnam kasama ang Viet Cong at sinuportahan ng Kambodya sa karamihan ng digmaan.
Ang Digmaang Biyetnam ay ang labanan sa Biyetnam, Laos, at Kambodiya mula 1 Nobyembre 1955[A 1] hanggang sa pagbagsak ng Saigon noong 30 Abril 1975.[5] Ito ang ikalawa sa mga Digmaang Indotsina at opisyal na pinaglaban ng Hilagang Biyetnam at Timog Biyetnam. Sinuportahan ng Unyong Sobyet, Tsina,[8] at ibang mga estadong komunista ang hilaga, habang sinuportahan ang timog ng Estados Unidos at ibang alyado na kontra-komunista.[55][56] Malawak na tinuturing ang digmaan bilang ang pamalit na digmaan sa Digmaang Malamig.[57] Tumagal ito ng halos 20 taon, kasama ang direktang pagkakasangkot ng Estados Unidos, na natapos noong 1973. Umapaw ang damdamin ng labanan sa mga katabing bansa, na pinalubha ang Digmaang Sibil sa Laos at ang Digmaang Sibil sa Kambodya, na natapos sa pagiging opisyal na estadong komunista ng tatlong bansang yaon noong 1976.[58][59]
Sa pagkatalo ng Unyong Pranses sa Unang Digmaang Indotsina at ang pagtanggap nito sa pagtanggal ng militar mula sa Biyetnam alinsunod sa kasunduang Hinebra para sa kapayapaan sa Biyetnam na nagkaroon ng bisa noong Hulyo 23, 1954, nakamit ng bansa ang kalayaan mula sa Pransya subalit nahati sa dalawang lugar ng pagtitipong militar: ang Viet Minh na kinontrol ang Hilagang Biyetnam, habang kinontrol ng Estados Unidos ang suportang pananalapi at militar ang Timog Biyetnam.[60][A 8] Nagsimula ng digmaang gerilya sa timog ang Viet Cong (VC), isang prenteng karaniwan sa Timog Biyetnam na nasa ilalim ng direksyon ng hilaga. Sumagupa ang Hukbong Bayan ng Biyetnam, na kilala din bilang ang Hukbong Hilagang Biyetnam, sa maraming digmaang kumbensyunal sa Estados Unidos at sa Hukbo ng Republika ng Biyetnam. Nilusob ng Hilagang Biyetnam ang Laos noong 1958, na itinatag ang Landas ng Ho Chi Minh upang panustusan at palakasin ang VC.[61]:16 Pagdating ng 1963, nagpadala ang hilaga ng 40,000 sundalo upang labanan ang timog.[61]:16 Tumaas ang pagkakasangkot ng Estados Unidos sa ilalim ni Pangulong John F. Kennedy, mula sa isang mga tagapayong militar noong 1959 hanggang sa 23,000 noong 1964.[62][28]:131
Kasunod ng insidente sa Golpo ng Tonkin noong Agosto 1964, pinasa ng Kongreso ng Estados Unidos ang isang resolusyon na binibigyan ang Pangulong Lyndon B. Johnson ng malawak na awtoridad na dagdagan ang presensyang militar ng Estados Unidos sa Biyetnam, na walang pormal na pagpapahayag ng digmaan. Iniutos ni Johnson ang pagpapalawak ng mga yunit na lumalaban sa unang pagkakataon, at kapansin-pansing tumaas ang tropang Amerikano sa 184,000.[62] Umasa ang puwersang Estados Unidos at Timog Biyetnames sa superyoridad sa himpapawid at napakalaking kapangyarihang-armas upang isagawa ang mga operasyong hanapin at wasakin, na kinakasangkutan ng puwersa sa lupain, artilerya, at mga pagsalakay mula sa himpapawid. Nagsagawa din ang Estados Unidos ng malakihang kampanyang pagbombang estratehiko laban sa Hilagang Biyetnam,[28]:371–374[63] at pinagpatuloy ang mahalagang pagtataguyod ng mga puwersa nito, sa kabila ng maliit na progreso na ginawa. Noong 1968, inilunsad ng mga puwesang Timog Biyetnames ang Opensibang Tet; bagaman, natalo ang militar nila dito, naging isa itong tagumpay pampolitika, dahil nagdulot ito ng paghina ng suportang domestiko ng Estados Unidos sa digmaan.[28]:481 Sa katapusan ng taon, nakuha ng VC ang maliit na teritoryo at iniwan ng Hukbong Bayan ng Biyetnam.[64] Noong 1969, nagdeklera ang Hilagang Biyetnam ng Pansamantalang Pamahalaang Rebolusyonaryo ng Republika ng Timog Biyetnam. Tumawid ang mga operasyon sa mga pambansang hangganan, at binomba ng Estados Unidos ang mga ruta ng panustos sa Laos at Kambodya. Nagresulta ang pagpapatalsik ng monarko ng Kambodya, si Norodom Sihanouk, sa pagsalakay ng Hukbong Bayan ng Biyetnam sa bansa (sa hiling Khmer Rohos), at ang noo'y kontra-salakay ng Estados Unidos-Hukbo ng Republika ng Biyetnam, na pinataas ang Digmaang Sibil ng Kambodya. Pagkatapos ng mahalal ni Richard Nixon noong 1969, nagsimula ang polisiyang "Biyetnamisasyon", na nakita ang labanan sa isang pinalawak na Hukbo ng Republika ng Biyetnam, habang tinanggal ang mga puwersang Estados Unidos noong maagang bahagi ng 1972, at nalimitahan ang kanilang operasyon sa suporta sa himpapawid, suporta sa artilerya, mga tagapayo, at pagpadala ng mga materiel. Nakita ng mga Kasunduang Paris para sa Kapayapaan noong Enero 1973 ang pagtanggal ng lahat ng puwersa ng Estados Unidos;[65]:457 nasira ang kasunduan ng halos kaagad-agad, nagpatuloy ang labanan ng hanggang dalawa pang taon. Bumagsak ang Phnom Penh sa Khmer Rohos noong Abril 17, 1975, habang nakita ng opensibang tagsibol ng 1975 ng Pagbagsak ng Saigon sa Hukbong Bayan ng Biyetnam noong Abril 30, na minarkahan ang katapusan ng digmaan; muling pinagkaisa ang Hilaga at Timog Biyetnam noong Hulyo 2 ng sumunod na taon.
Siningil ng digmaan ang napakalaking halaga ng pagkasawi ng mga tao: tinatayang ang bilang ng mga namatay na mga sundalong Biyetnames at sibilyan ay mula sa 966,000[21] hanggang 3 milyon.[51] Namatay din sa labanan ang 275,000–310,000 Kamboyano,[52][53][54] 20,000–62,000 taga-Laos,[51] at 58,220 kasapi ng serbisyong Estados Unidos.[A 7] Kaagad nagdulot ang katapusan ng Digmaang Biyetnam ng krisis repuhiyado (refugee) sa mga taong bangkang Biyetnames at mas malaking Indotsina, na nakita ang mga milyong repuhiyado na umalis sa Indotsina, na tinatayang 250,000 sa kanila ang nasawi sa dagat. Nang nasa kapangyarihan, nagsagawa ang Khmer Rohos ng henosodyo ng mga Kamboyano, habang tumaas sa kalaunan ang labanan sa pagitan nila at ng pinag-isang Biyetnam sa Digmaang Kamboyano–Biyetnames, na pinabagsak ang pamahalaang Khmer Rohos noong 1979. Bilang tugon, sinalakay ng Tsina ang Biyetnam na sinundan ng mga labanan sa teritoryo na tumagal hanggang 1991. Sa loob ng Estados Undios, nagdulot ang digmaan sa pag-usbong ng tinatawag na Sindromeng Biyetnam (Vietnam Syndrome), isang pag-ayaw ng publiko sa mga pag-sangkot ng Amerikanong militar sa ibayong-dagat,[66] na, kasama ng iskandalo sa Watergate ay nag-ambag sa krisis ng kumpiyansa na nakaapekto sa Amerika sa buong dekada 1970.[67]
Sinira ng Hukbong Himpapawid ng Estados Unidos ang 20% ng gubat ng Timog Biyetnam at 20–50% ng mga kagubatang bakawan sa pagdilig ng 20 milyong galon ng nakakalasong pamatay-halaman (mga defoliant) kabilang ang Agent Orange (o Ahenteng Naranha).[68][69][70] Ang digmaan ay isa sa pinakakaraniwang ginagamit na halimbawa ng ekosidiyo.[68][71][72]
↑"Chapter 5, Origins of the Insurgency in South Vietnam, 1954–1960". The Pentagon Papers (Gravel Edition), Volume 1. Boston: Beacon Press. 1971. Section 3, pp. 314–346. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Oktubre 2017. Nakuha noong 17 Agosto 2008 – sa pamamagitan ni/ng International Relations Department, Mount Holyoke College.
↑ 5.05.1The Paris Agreement on Vietnam: Twenty-five Years Later (Conference Transcript) (sa wikang Ingles). Washington, DC: The Nixon Center. Abril 1998. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Setyembre 2019. Nakuha noong 5 Setyembre 2012 – sa pamamagitan ni/ng International Relations Department, Mount Holyoke College.
↑Military History Institute of Vietnam 2002, p. 182 harv error: no target: CITEREFMilitary_History_Institute_of_Vietnam2002 (help). "By the end of 1966 the total strength of our armed forces was 690,000 soldiers." (sa Ingles)
↑Doyle, Edward; Lipsman, Samuel; Maitland, Terence (1986). The Vietnam Experience The North (sa wikang Ingles). Time Life Education. pp. 45–49. ISBN978-0-939526-21-5.
↑ 10.010.1Womack, Brantly (2006). China and Vietnam (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. p. 179. ISBN978-0-521-61834-2.
↑ 11.011.111.211.311.411.5Tucker, Spencer C (2011). The Encyclopedia of the Vietnam War: A Political, Social, and Military History (sa wikang Ingles). ABC-CLIO. ISBN978-1-85109-960-3.
↑ 24.024.1Moyar, Mark. "Triumph Regained: The Vietnam War, 1965–1968." Encounter Books, Disyembre 2022. Indeks ng Kabanata 17 sa Ingles: "Communists provided further corroboration of the proximity of their casualty figures to American figures in a postwar disclosure of total losses from 1960 to 1975. During that period, they stated, they lost 849,018 killed plus approximately 232,000 missing and 463,000 wounded. Casualties fluctuated considerably from year to year, but a degree of accuracy can be inferred from the fact that 500,000 was 59 percent of the 849,018 total and that 59 percent of the war's days had passed by the time of Fallaci's conversation with Giap. The killed in action figure comes from "Special Subject 4: The Work of Locating and Recovering the Remains of Martyrs From Now Until 2020 And Later Years," dinowload mula sa websayt pamahalaang Biyetnames na datafile noong 1 Disyembre 2017. Ang mga pigura sa itaas sa mga nawawala at nasugatan ay kinalkula gamit ang mga rasyo dineklerang nasawa sa panahon mula 1945 hanggang 1979, sa panahon na ang mga Komunista ay natamo ang 1.1 milyong pinatay, 300,000 nawawala, at 600,000 nasugatan. Ho Khang, ed, Lich Su Khang Chien Chong My, Cuu Nuoc 1954–1975, Tap VIII: Toan Thang (Hanoi: Nha Xuat Ban Chinh Tri Quoc Gia, 2008), 463." (sa Ingles)
↑James F. Dunnigan; Albert A. Nofi (2000). Dirty Little Secrets of the Vietnam War: Military Information You're Not Supposed to Know (sa wikang Ingles). Macmillan. ISBN978-0-312-25282-3.
↑Pribbenow, Merle (Nobyembre 2011). "North Korean Pilots in the Skies over Vietnam"(PDF) (sa wikang Ingles). Woodrow Wilson International Center for Scholars. p. 1. Inarkibo mula sa orihinal(PDF) noong Hunyo 5, 2023. Nakuha noong 3 Marso 2023.
↑Clarke, Jeffrey J. (1988). United States Army in Vietnam: Advice and Support: The Final Years, 1965–1973 (sa wikang Ingles). Center of Military History, United States Army. The Army of the Republic of Vietnam suffered 254,256 recorded combat deaths between 1960 and 1974, with the highest number of recorded deaths being in 1972, with 39,587 combat deaths
↑"The Fall of South Vietnam"(PDF). Rand.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal(PDF) noong Enero 29, 2023. Nakuha noong 11 Abril 2021.
↑"Overview of the war in Vietnam" (sa wikang Ingles). New Zealand and the Vietnam War. 16 Hulyo 1965. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Hulyo 2013. Nakuha noong 29 Hunyo 2013.
↑"Asian Allies in Vietnam"(PDF) (sa wikang Ingles). Embassy of South Vietnam. Marso 1970. Inarkibo mula sa orihinal(PDF) noong Mayo 21, 2023. Nakuha noong 18 October 2015.
↑Shenon, Philip (23 Abril 1995). "20 Years After Victory, Vietnamese Communists Ponder How to Celebrate". The New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 27, 2023. Nakuha noong 24 Pebrero 2011. The Vietnamese government officially claimed a rough estimate of 2 million civilian deaths, but it did not divide these deaths between those of North and South Vietnam.
↑ 52.052.1Heuveline, Patrick (2001). "The Demographic Analysis of Mortality Crises: The Case of Cambodia, 1970–1979". Forced Migration and Mortality (sa wikang Ingles). National Academies Press. pp. 102–104, 120, 124. ISBN978-0-309-07334-9. As best as can now be estimated, over two million Cambodians died during the 1970s because of the political events of the decade, the vast majority of them during the mere four years of the 'Khmer Rouge' regime.... Subsequent reevaluations of the demographic data situated the death toll for the [civil war] in the order of 300,000 or less.
↑ 54.054.1Sliwinski, Marek (1995). Le Génocide Khmer Rouge: Une Analyse Démographique [The Khmer Rouge genocide: A demographic analysis] (sa wikang Ingles). L'Harmattan. pp. 42–43, 48. ISBN978-2-7384-3525-5.
↑"Vietnam War". Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Marso 2008. Meanwhile, the United States, its military demoralized and its civilian electorate deeply divided, began a process of coming to terms with defeat in its longest and most controversial war