Diyos Ama

Diyos Ama ni Cima da Conegliano, c. 1515

Ang Diyos Ama ay ang titulong ibinigay sa Diyos sa iba't ibang relihiyon. Sa Hudaismo, inilalarawan ang Diyos bilang "Ama" dahil kinikilala siya bilang nag-iisang lubos, hindi mahahati at maihahambing, nangingibabaw, palagian, at di- na Diyos ng paglikha at kasaysayan.[1][2][3][4] Ang Diyos sa Hudaismo ang nagbigay ng shabbath at ng mga Torah—mga nakasulat na torah, binibigkas na torah, mistikal—sa kaniyang piniling sambayanan.[5] Subalit, sa Hudaismo, ang paggamit ng titulong "Ama" ay karaniwang talinghaga at ito ay isa sa maraming titulong ginagamit ng mga Hudyo upang tukuyin ang Diyos.[6]

Sa santatluhang Kristiyanismo, ang Diyos Ama ay kinikilala bilang unang persona ng Santatlo, kasunod ng Diyos Anak (si Hesukristo) na siyang ikalawang persona, at ng Diyos Espiritu Santo na ikatlong persona. Mula noong ikalawang dantaon, nakapaloob na sa mga kredong Kristiyano ang pananampalataya sa "Diyos Amang Makapangyarihan", dahil siya ang "Ama at maylikha ng sanlibutan".[7] Gayunman, ang konsepto ng Diyos bilang ama ni Hesukristo sa Kristiyanismo ay humihigit pa sa metapisikal na konsepto ng Diyos bilang Lumikha at Ama ng sanlibutan,[6] gaya ng isinasaad sa Kredo ng mga Apostol kung saan ang pagpapahiwatig ng paniniwala sa "Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa" ay kagyat ngunit sinusundan ng nakabukod na "Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat", kaya ito'y pagpapahiwatig ng magkatulad na diwa ng pagka-Ama.[8]

Sa pananampalatayang Islam, pinaniniwalaan nila ang Diyos bilang natatanging may likha ng sanlibutan at siyang nagbigay ng buhay, at bagaman hindi hayagang ipinagbabawal ng tradisyonal na katuruang Islam ang paggamit ng katagang "Ama" bilang pantukoy sa Diyos, hindi nito pinalalaganap o hinihikayat ang paggamit nito.

  1. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang BergerDWyschogrodM); $2
  2. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang SingerT1); $2
  3. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang SingerT2); $2
  4. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang KaplanA); $2
  5. Gerald J. Blidstein, 2006 Honor thy father and mother: filial responsibility in Jewish law and ethics ISBN 0-88125-862-8 page 1
  6. 6.0 6.1 Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang metaphor); $2
  7. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang kelly); $2
  8. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Neville); $2

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne