Mga dominiko | |
---|---|
![]() | |
Dominikong Europeo (Pica pica) | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Mga sari | |
Ang dominiko (Ingles: magpie)[1] ay isang pangkat ng mga ibong may mahahabang mga buntot na matatagpuan sa buong mundo. Karaniwan sa ganitong ibon ang may makintab na itim na kulay, na may bughaw o lunting metalikong kinang. Halos kasinlaki sila ng mga uwak. Gumagawa ang dominiko ng malaking pugad sa mga palumpong o itaas ng mga punungkahoy. Kinakain ng dominiko ang halos lahat ng mga bagay, ngunit natatanging ibig ng ibong ito ang mga itlog ng ibang mga ibon at mga inakay. Maingay ang dominiko na may malakas at mabalasik na huni o panawag. Maaari rin silang maging maamo upang maging alagang ibon.[2]