Ang Donkeyskin o Balat ng asno (Pranses: Peau d'Âne) ay isang Pranses na pampanitikang kuwentong-bibit na isinulat sa taludtod ni Charles Perrault. Ito ay unang inilathala noong 1695 sa isang maliit na volume at muling inilathala noong 1697 sa Histoires ou contes du temps passé ni Perrault.[1] Isinama ito ni Andrew Lang, bahagyang eupemisado, sa The Grey Fairy Book.[2][3] Ito ay nauuri sa mga kuwentong-pambayan ng Aarne-Thompson type 510B, hindi likas na pag-ibig.