Abenida Epifanio de los Santos Epifanio de los Santos Avenue | |
---|---|
EDSA Highway 54 | |
Impormasyon sa ruta | |
Pinangangasiwaan ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (MMDA) at Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) | |
Haba | 23.8 km (14.8 mi) kasama nito ang karugtong sa Bay City, Pasay |
Umiiral | 1940 | –kasalukuyan
Bahagi ng |
|
Pagbabawal | Bawal ang mga mabibigat na trak sa EDSA. |
Pangunahing daanan | |
Daang palibot sa paligid ng Maynila | |
Dulo sa hilaga | Monumento Roundabout sa Grace Park, Caloocan, 14°39′14.74″N 120°59′02.06″E / 14.6540944°N 120.9839056°E |
| |
Dulo sa timog | SM Mall of Asia Rotunda sa Bay City, Pasay, 14°32′6.24″N 120°58′55.75″E / 14.5350667°N 120.9821528°E |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Caloocan, Lungsod Quezon, San Juan, Mandaluyong, Makati, Pasay |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang EDSA (Epifanio de los Santos Avenue; lit. na 'Abenida Epifanio de los Santos') na dating Highway 54, ay isang mahaba at pakurbang daan na nasasakupan ang anim (6) na lungsod at pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Ito ay isang mahalagang daluyang pantransportasyon sa pagitan ng hilaga at timog na bahagi ng kalungsuran.
Ang EDSA ay nakadugtong sa North Luzon Expressway (NLEX) sa may Palitan ng Balintawak at South Luzon Expressway (SLEX) sa may Palitan ng Magallanes. Inuugnay rin nito ang mga pangunahing distrito pampinansiyal ng Makati Central Business District, Lundayang Ortigas, at Lundayang Araneta. Ang Ikatlong Linya ng MRT ay tumatakbo sa kahabaan ng EDSA, mula sa kanto ng Abenida Taft sa Pasay hanggang sa SM North EDSA sa kanto ng North Avenue sa Lungsod Quezon. Ito ang pinakamahaba at pinakamatrapik na daan sa kalakhang Maynila na may haba ng 23.8 kilometro (14.8 milya).