![]() | Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (walang petsa)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
Eat Bulaga! | |
---|---|
Kilala rin bilang |
|
Direktor |
|
Creative director |
|
Host | |
Isinalaysay ni/nina |
|
Kompositor ng tema |
|
Pambungad na tema |
|
Bansang pinagmulan | Pilipinas |
Wika | Tagalog |
Paggawa | |
Prodyuser tagapagpaganap |
|
Prodyuser |
|
Lokasyon | Studio 4, TV5 Media Center, Mandaluyong City, Metro Manila |
Ayos ng kamera | Multiple-camera setup |
Oras ng pagpapalabas | 150–180 minutes |
Kompanya |
|
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan |
|
Picture format | |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 30 Hulyo 1979 kasalukuyan | –
Kronolohiya | |
Kaugnay na palabas |
|
Infobox instructions (only shown in preview) |
Ang Eat Bulaga! ay isang variety show mula sa Pilipinas na pinoprodyus ng TVJ Productions. Pinangungunahan ito nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon; kasama sina Chiqui Hollman at Richie D'Horsie noong una itong umere sa RPN noong 30 Hulyo 1979. Umere ang programa sa nasabing channel hanggang 1989, nang lumipat sa ABS-CBN hanggang 1995, nang lumipat sa GMA Network hanggang Mayo 31, 2023 (hanggang Enero 5, 2024 sa ilalim ng bagong pamumuno ng TAPE Inc.), hanggang sa kasalukuyan na ipinalalabas sa TV5 simula noong Hulyo 1, 2023 (bilang E.A.T. hanggang Enero 5, 2024, nang matapos igawad ng korte ang karapatan na gamitin ng TVJ Productions ang pangalang Eat Bulaga! simula sa susunod na araw na Enero 6)[3] kasama ding mga host sina Allan K., Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, Maine Mendoza, Carren Eistrup, Miles Ocampo, at Atasha Muhlach kilala bilang mga "Legit Dabarkads". 1 Pebrero 2024 ay pinapalabas ito ng live sa RPTV[4].
Ang programa ay sumasahimpapawid sa buong Pilipinas sa TV5 at sa live streaming nito sa YouTube at Facebook. Mapapanood rin sa labas ng bansa via Kapatid Channel.
Sa higit apatnapung taon nito sa ere, hawak na ng palabas ang rekord sa pagiging pinakamatagal na pantanghaling variety show sa kasaysayan ng telebisyon sa Pilpinas.[5]
Ang Eat Bulaga! rin ang naging kauna-unahang palabas mula sa Pilipinas na nagkaroon ng ibang franchise sa ibang bansa nang magkaroon ito ng adaptasyon sa Indonesia. Inaasahan din ang pagkakaroon nito ng adaptasyon sa Myanmar mula nang i-anunsyo ito noong ika 30 Hulyo 2019, ang ika-40 guning-taon ng programa.