Ekonomikong Kooperasyon sa Asya-Pasipiko

Asia-Pacific Economic Cooperation

Tanggapan ng Kalihiman Singapore Singapore
Uri Grupong Pang-ekonomiya
Mga ekonomiyang-kasapi 21
Tagapangasiwang
Tagapagpaganap
Juan Carlos Capuñay Peru
Pagkatatag 1989
Websayt http://www.apec.org/

Ang Asia-Pacific Economic Cooperation[1] o APEC ay isang poro ng mga 21 bansa na napaligiran ng Karagatang Pasipiko o mga rehiyon (pinamagatang 'kasaping-ekonomiya') upang talakayin ang ekonomiyang panrehiyon, kooperasyon, kalakalan at pamumuhunan. Ipinahayag ng organisasyon na ang bahagdan ng populasyon ng daigdig ay halos 60%, halos 56% ng pandaigdigang pangkalahatang kitang pantahanan (GDP) at halos 49% ng pandaigdigang kalakalan. Ang mga gawain, kasama ang mga taunang pagpupulong ng mga ministro ng mga kasapi, ay isinasaayos ng Sekretarya ng APEC.

Ang organisasyon ay nagdadaos ng Pagpupulong ng mga Pinunong Ekonomiko ng APEC (AELM), ang taunang pagtitipon na dinadaluhan ng mga puno ng pamahalaan ng mga kasapi ng APEC maliban sa Taiwan na nasa ilalim ng pangalang Chinese Taipei, na may kinatawan na opisyal na pangministeryo nang dahil sa pagpipilit ng Tsina. Taon-taon, ang lugar ng pagdaraos ng pagtitipon ay umiikot sa mga kasaping-ekonomiya, at ang tanyag na tradisyon na ginagawa ng mga pinuno ay magsusuot ng pambansang kasuotan ng kasaping punung-abala.

  1. "APEC Primer". APEC2015.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Agosto 2015. Nakuha noong 6 Oktubre 2015.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne