Eleanor ng Aquitania | |
---|---|
![]() | |
Kapanganakan | Kamalian ng Lua na sa Module:Wd na nasa linyang 1890: bad argument #1 to 'ipairs' (table expected, got nil). |
Kamatayan | 1 Abril 1204
|
Libingan | Fontevraud Abbey |
Mamamayan | Duchy of Aquitaine |
Trabaho | female crusader |
Opisina | duke of Aquitaine (9 Abril 1137 (Huliyano)–1204 (Huliyano)) Konde ng Poitiers (1137 (Huliyano)–1204 (Huliyano)) queen of Franks (1137 (Huliyano)–1152 (Huliyano)) Consort of England (1154 (Huliyano)–1189 (Huliyano)) |
Asawa | Louis VII ng Pransiya (25 Hulyo 1137 (Huliyano)–21 Marso 1152 (Huliyano)) Henry II ng Inglatera (18 Mayo 1152 (Huliyano)–6 Hulyo 1189 (Huliyano)) |
Anak | Marie ng Pransiya, Alice of France, William IX, Konde ng Poitiers, Henry the Young King, Matilda ng Inglatera, Dukesa ng Saxony, Richard I ng Inglatera, Geoffrey II, Duke ng Brittany, Eleanor ng Inglatera, Reyna ng Castile, Joan ng Inglatera, Reyna ng Sicily, John ng Inglatera |
Magulang |
|
Pamilya | Petronilla of Aquitaine |
Si Eleanor ng Aquitaine (c. 1122 – Marso 31, 1204), na nakikilala rin bilang Leonor ng Aquitania, ay ang anak na babae ni William X ng Aquitaine. Nagkaroon siya ng mas nakababatang kapatid na babaeng tinatawag na Petronilla ng Aquitaine. Dinala niya ang lalawigan ng Aquitaine (Aquitania) sa Inglatera nang pakasalan niya si Henry II ng Inglatera. Nanatili ang Aquitaine na nasa ilalim ng kapangyarihan at pagtaban ng mga Ingles sa loob ng 300 mga taon.
Nakapagmanan si Eleanor ng lupain sa Pransiya habang nasa gulang na 15. Pinakasalan niya si Louis VII ng Pransiya noong Hulyo 22, 1137, at nagkaroon sila ng dalawang mga anak na babae, na sina:
Napawalan ng bisa ang kasal sa lumaon, dahil hindi sila nagkaroon ng mga anak na lalaki.
Sa pagdaka, pinakasalan ni Eleanor si Henry II ng Inglatera noong Mayo 18, 1152, at nagkaroon sila ng walong mga anak, na kabilang sina:
Higit na nakikilala rin si Eleanor dahil sa kaniyang gawain para sa Ikalawang Krusada, dahil nabigyan niya ng inspirasyon ang maraming mga tao upang sumali sa krusadang ito. Dahil sa labis na napakaraming mga tao ang nagpasyang makilahok, kung kaya't naubusan si San Bernardo ng mga krus na ipinamimigay, kung kaya kinailangan niyang pumilas ng mga piraso ng kaniyang balabal.[pinanggalingan?]
Sinuportahan ni Eleanor ang isang pagrerebelde na isinagawa ng kaniyang mga anak laban sa pamumuno ng kanilang ama noong 1173. Hindi naging matagumpay ang paghihimagsik na ito, at dahil sa galit na galit si Haring Henry II, ipinakulong ni Henry II si Eleanor sa bilangguan. Noong 1189, pagkaraang mamatay si Haring Henry II, at nang maging hari ang kaniyang anak na lalaking si Richard, napalaya si Eleanor. Sa hindi pa katagalan, namatay si Richard, kung kaya't sinuportahan niya ang pagkuha ng anak niyang si John sa trono ng Inglatera, laban sa pag-angkin ng trono ng kaniyang apong lalaki na si Arthur ng Brittany. Noong 1202, habang nagaganap ang pangangampanya sa Mairebeau, ipinagpatuloy niya ang paghadlang at pagsalungat kay Arthur. Sa pananagumpay niya, nagretiro si Eleanor sa isang monasteryo. Namatay siya sa kumbentong ito ng mga mongha noong Abril 1, 1204.[1][2][3]