Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Mayo 2021)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Emilio Aguinaldo | |
---|---|
Ika-1 Pangulo ng Pilipinas | |
Nasa puwesto 23 Enero 1899 – 23 Marso 1901 | |
Punong Ministro | |
Sinundan ni | |
President of the Revolutionary Government of the Philippines | |
Nasa puwesto June 23, 1898 – January 22, 1899 | |
Punong Ministro |
|
Nakaraang sinundan | Position established |
Sinundan ni | Position abolished (Revolutionary government superseded by the First Philippine Republic) |
Commanding General of the Philippine Revolutionary Army | |
Nasa puwesto June 5, 1899 – March 23, 1901 | |
Pangulo | Himself |
Nakaraang sinundan | Antonio Luna |
Dictator of the Philippines | |
Nasa puwesto May 24, 1898 – June 23, 1898 | |
Nakaraang sinundan | Position established |
Sinundan ni | Position abolished (Dictatorial government replaced by a revolutionary government with Aguinaldo assuming the title president) |
President of the Republic of Biak-na-Bato | |
Nasa puwesto November 2, 1897 – December 14, 1897 | |
Pangalwang Pangulo | Mariano Trías |
Nakaraang sinundan | Position established |
Sinundan ni | Position abolished |
President of the Tejeros Revolutionary Government | |
Nasa puwesto March 22, 1897 – November 1, 1897 | |
Pangalwang Pangulo | Mariano Trías |
Nakaraang sinundan | Position established |
Sinundan ni | Position abolished (Tejeros government superseded by the Republic of Biak-na-Bato) |
Personal na detalye | |
Isinilang | Emilio Aguinaldo y Famy 22 Marso 1869[b] Cavite el Viejo, Cavite, Kapitaniya Heneral ng Pilipinas, Imperyong Kastila |
Yumao | 6 Pebrero 1964 Lungsod Quezon, Pilipinas | (edad 94)
Himlayan | Dambanang Aguinaldo, Cavite, Pilipinas |
Partidong pampolitika | National Socialist (1935–1936)[infobox 1] Independent (until 1935) |
Asawa | Hilaria del Rosario (k. 1896; died 1921) María Agoncillo (k. 1930; died 1963) |
Anak | 5 (see below) |
Alma mater | Colegio de San Juan de Letran |
Mga parangal | Philippine Legion of Honor Quezon Service Cross Presidential Medal of Merit Order of the Knights of Rizal |
Pirma | |
Serbisyo sa militar | |
Palayaw | "Kapitan Miong" "Heneral Miong" "Ka Miong" "El Caudillo" "Magdalo" "Hermano Colon" |
Katapatan | First Philippine Republic Republic of Biak-na-Bato Katipunan (Magdalo) |
Sangay/Serbisyo | Philippine Revolutionary Army |
Taon sa lingkod | 1896–1901 |
Ranggo | Generalissimo
Minister Marshal |
Labanan/Digmaan |
|
Footnotes:
|
Si Emilio Aguinaldo y Famy (Marso 22, 1869 – Pebrero 6, 1964) ay Pilipinong heneral, estadista, at manghihimagsik na kinikilala bilang unang pangulo ng Pilipinas, kung saan siya namahala mula 1899 hanggang 1901. Pinangunahan niya ang mga puwersang Pilipino laban sa Espanya noong Himagsikang Pilipino at Digmaang Espanyol–Amerikano, at sa Estados Unidos noong Digmaang Pilipino–Amerikano.
Siya ay isa sa mga pinakakilalang pinuno ng pakikibaka laban sa mga Kastila, at nang lumáon laban sa mga Amerikano, tungo sa kasarinlan ng Pilipinas. Namuno siya sa isang pag-aalsa laban sa pamahalaang Kastila noong taóng 1896. Namuno rin siya sa ikalawang pagdigma laban sa sandatahang Kastila noong taóng 1898 habang kakampi ang mga Amerikano, Bilang pinuno ng himagsikan, isinakatuparan niya ang pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas noong 12 Hunyo 1898. Siya ang itinanghal na unang pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 23 Enero 1899. Nang malaman ang pagnanais ng Estados Unidos na sakupin ang Pilipinas upang matupad ang kasunduan sa Paris (1898) sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya ay muling namuno si Aguinaldo sa pagtatanggol sa kasarinlan mula taóng 1899 hanggang 1901. Noong 23 Marso 1901 ay nabuwag ang kanyang kapamahalaan nang siya ay madakip ng mga kalabang Amerikano. Matapos nito ay pumayag siyang manumpa ng katapatan sa Estados Unidos nguni't nagpahiwatig ng kahapisan na sinagisag ng pagsusuot niya ng itim na corbata de lazo hanggang sa tuluyang lumaya ang Pilipinas na naganap noong taóng 1946. Noong taóng 1935, sa paghahanda ng isang pamahalaang commonwealth ("may bahagyang kasarinlan") sa ilalim ng Estados Unidos, tumakbo siya sa pagkapangulo subali't hindi nanaig kay Manuel Quezon. Matapos ang muling paglaya ng Pilipinas noong taóng 1946, binigyan siya ng katungkulan sa Philippine Council of State[1] ("sanggunian ng pamahalaan") na isang sangay ng pamahalaan na itinatag noong panahon ng Amerikano. Siya ang pinakabatang naging pangulo ng Pilipinas.
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/>
tag para rito); $2