Sa epektong potoelektriko, ang mga elektron ay inilalabas mula sa materya(mga solidong metal at hindi metaliko, likido at mga gaas) bilang kinalabasan ng pagsisipsip ng mga ito ng enerhiya mula sa radyasyong elektromagnetiko ng napakaikling alonghaba at mataas na prekwensiya(frequency) o radyasiyong liwanag na ultraviolet. Ang mga elektron na nailabas sa paraang ito ay tinutukoy na mga potoelektron.[1][2] Ito ay unang napagmasdan ni Heinrich Hertz noong 1887,[2][3] at ang pangyayaring ito ay kilala rin bilang epektong Hertz[4][5] bagaman ang huling termino ay hindi na ginagamit. Napagmasdan at ipinakita ni Hertz na ang mga elektrodo na naliwanagan ng liwanag na ultravioleta ay lumilikha ng mga kislap na elektriko nang mas madali.