Sa mitolohiyang Griyego, si Erato /ˈErətoʊ/ (Sinaunang Griyego: Ἐρατώ) ay isa sa mga Musang Griyego. Ang pangalan ay may kahulugang "ninanais" o "kaibig-ibig", kung hinango mula sa kaparehong ugat ng Eros, katulad ng mapaglarong mungkahi ni Apollonius ng Rhodes pagtawag o panalangin (imbokasyon) kay Erato na nagsisimula ng Aklat III ng kaniyang Argonautica.[1]
Si Erato ang Musa ng panulaang liriko, natatangi na ng panulaan ng pag-ibig at erotiko.[2] Sa himnong Orpiko para sa mga Musa, si Erato ang nakakaakit ng paningin. Magmula sa Renasimyento, madalas siyang ipinapakita na mayroong isang korona ng Myrtus communis (mirto) at nga mga rosas, na may hawak na kudyapi, o isang maliit na kithara, isang instrumentong pangmusika na inimbento ni Apollo o niya mismo[kailangan ng sanggunian]. Sa mga representasyon (mga ilustrasyon) ni Simon Vouet, mayroong dalawang mga ibong tukmol na nanginginain ng mga butil sa may paanan niya. Ang ibang mga paglalarawan ay maaaring magpakita na siya ay nagtatangan ng isang ginintuang palaso, na nagpapaalala sa isang tao ng "eros", ang damdamin na napapadama niya sa lahat ng mga tao, at kung minsan siya ay nasa piling ng diyos na si Eros, na may hawak na isang sulo.