Ernest Rutherford | |
---|---|
Kapanganakan | 30 Agosto 1871[1]
|
Kamatayan | 19 Oktubre 1937[1]
|
Libingan | Westminster Abbey[2] |
Mamamayan | New Zealand[3] |
Nagtapos | Unibersidad ng Canterbury[1] Unibersidad ng Cambridge[1] Trinity College[1] |
Trabaho | kimiko,[1] pisiko,[1] propesor,[4] politiko, propesor ng unibersidad |
Anak | Eileen Mary Rutherford |
Magulang |
|
Pirma | |
Si Ernest Rutherford, unang Baron Rutherford ng Nelson,[5] OM, PC, FRS (Agosto 30, 1871 – Oktubre 19, 1937), ay isang pisikong nukleyar mula sa New Zealand. Isa rin siyang Britaniko.[6] Kilala siya bilang "ama" ng pisikang nukleyar, itinatag ang teoriyang orbital ng atomo. Kasama ni Hans Geiger, inimbento nila ang aparatong Geiger, isang aparatong panukat ng radyasyon, noong 1908.[7]
Pinag-aralan ni Rutherford ang mga atomo sa pamamagitan ng pagbaril sa mga ito ng mga sinag na alpha. Noong 1911, natuklasan ni Rutherford na binubuo ang atomo ng mas maliliit pang mga partikulo. Napag-alaman rin niya noong 1911 na napapatalbog ang mga sinag na alpha ng isang matigas na partikulong nasa gitna ng atomo. Ang matigas na partikulong ito ang tinatawag na nukleyo o nukleyus ng atomo, na naglalaman ng mas maliliit pang mga partikulong kilala bilang mga proton. Pagkaraan ng anim pang mga taon, nahati niya ang atomo sa pamamagitan ng pagtanggal ng ilang mga partikulo ng nitrohenong gas mula sa atomo. Sa kalaunan, nahati pa ni Rutherford ang mga atomo ng nitroheno sa pamamagitan ng pagbaril ng mga sinag alpha upang matanggal ang ilang mga proton mula sa mga nukleyo, na nagbigay ng mga atomo ng oksiheno. Ito ang unang pagkakataon kung kailan nagbago ang isang elemento at naging iba pang elemento (nitroheno na naging oksiheno).[6]