Ernest Rutherford

Ernest Rutherford
KapanganakanKamalian ng Lua na sa Module:Wd na nasa linyang 1890: bad argument #1 to 'ipairs' (table expected, got nil).
    • Spring Grove
  • (Tasman District, New Zealand)
Kamatayan19 Oktubre 1937
  • (Cambridge, Cambridgeshire, East of England, Inglatera)
LibinganWestminster Abbey
MamamayanNew Zealand
NagtaposUnibersidad ng Canterbury
Unibersidad ng Cambridge
Trinity College
Nelson College
Trabahonuclear physicist, kimiko, pisiko, propesor, politiko, propesor ng unibersidad
OpisinaPresident of the Royal Society (1925–1930)
member of the House of Lords (22 Enero 1931–19 Oktubre 1937)
Langworthy Professor (1907–1919)
AsawaMary Georgina Rutherford (28 Hunyo 1900–)
AnakEileen Mary Rutherford
Magulang
  • James Rutherford
  • Martha Thompson
Pirma

Si Ernest Rutherford, unang Baron Rutherford ng Nelson,[1] OM, PC, FRS (Agosto 30, 1871Oktubre 19, 1937), ay isang pisikong nukleyar mula sa New Zealand. Isa rin siyang Britaniko.[2] Kilala siya bilang "ama" ng pisikang nukleyar, itinatag ang teoriyang orbital ng atomo. Kasama ni Hans Geiger, inimbento nila ang aparatong Geiger, isang aparatong panukat ng radyasyon, noong 1908.[3]

Pinag-aralan ni Rutherford ang mga atomo sa pamamagitan ng pagbaril sa mga ito ng mga sinag na alpha. Noong 1911, natuklasan ni Rutherford na binubuo ang atomo ng mas maliliit pang mga partikulo. Napag-alaman rin niya noong 1911 na napapatalbog ang mga sinag na alpha ng isang matigas na partikulong nasa gitna ng atomo. Ang matigas na partikulong ito ang tinatawag na nukleyo o nukleyus ng atomo, na naglalaman ng mas maliliit pang mga partikulong kilala bilang mga proton. Pagkaraan ng anim pang mga taon, nahati niya ang atomo sa pamamagitan ng pagtanggal ng ilang mga partikulo ng nitrohenong gas mula sa atomo. Sa kalaunan, nahati pa ni Rutherford ang mga atomo ng nitroheno sa pamamagitan ng pagbaril ng mga sinag alpha upang matanggal ang ilang mga proton mula sa mga nukleyo, na nagbigay ng mga atomo ng oksiheno. Ito ang unang pagkakataon kung kailan nagbago ang isang elemento at naging iba pang elemento (nitroheno na naging oksiheno).[2]

  1. Cline, Barbara Lovett. "Ernest Rutherford," Men Who Made a New Physics: Physicists and the Quantum Theory, dating pamagat: The Questions, Signet Science Library Book, The New American Library, New York/Toronto, 1965/1969, Library of Congress Catalog Card No. 65-18693
  2. 2.0 2.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who First Split the Atom?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767., pahina 54.
  3. "Geiger counter". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne