Alabang | |||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pambansang Daambakal ng Pilipinas | |||||||||||||||||||||
![]() Estasyong Alabang, walang riles sa gilid noong 2011. | |||||||||||||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | |||||||||||||||||||||
Lokasyon | Kalye T. Molina Alabang, Muntinlupa | ||||||||||||||||||||
Koordinato | 14°25′10.46″N 121°2′51.63″E / 14.4195722°N 121.0476750°E | ||||||||||||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Pambansang Daambakal ng Pilipinas | ||||||||||||||||||||
Linya | Linyang Patimog ng PNR | ||||||||||||||||||||
Plataporma | Platapormang pagilid | ||||||||||||||||||||
Riles | 2, dagdag ang 1 siding track | ||||||||||||||||||||
Konstruksiyon | |||||||||||||||||||||
Uri ng estruktura | Nasa lupa | ||||||||||||||||||||
Pasilidad sa bisikleta | Hindi | ||||||||||||||||||||
Akses ng may kapansanan | Oo (2016) | ||||||||||||||||||||
Ibang impormasyon | |||||||||||||||||||||
Kodigo | AA | ||||||||||||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||||||||||||
Nagbukas | 1908 | ||||||||||||||||||||
Muling itinayo | Abril 19, 2010 | ||||||||||||||||||||
Serbisyo | |||||||||||||||||||||
|
Ang estasyong Alabang ay isang estasyon sa Pangunahing Linyang Patimog o South Main Line (na tinatawag ding "Linyang Patimog" o "Southrail") ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas. Tulad ng lahat ng mga estasyon ng PNR, nasa lupa ang estasyong ito. Matatagpuan ito sa Kalye T. Molina sa Alabang, Muntinlupa, malapit sa Biyadukto ng Alabang ng South Luzon Expressway.
Ang estasyon ay ang ikalabing-anim na estasyon patimog mula sa Tutuban at isa sa tatlong mga estasyon ng PNR na naglilingkod sa lungsod, ang iba pa ay Sucat at Muntinlupa.
Ang estasyong Alabang ay ang tanging estasyon ng PNR na itinayo muli nang buo sa ibang lokasyon. Nailipat ito mula sa unang lokasyon nito sa Kalye Montillano papunta sa likod ng Metropolis Starmall Alabang sa Kalye T. Molina. Binuksan ang bagong estasyon noong Abril 19, 2010.