Ayala | |
---|---|
Manila MRT Line 3 | |
![]() Estasyon ng Ayala noong 2019 | |
Pangkalahatang Impormasyon | |
Lokasyon | EDSA San Lorenzo, Makati |
Koordinato | 14°32′56.19″N 121°01′39.62″E / 14.5489417°N 121.0276722°E |
Pagmamayari ni/ng | Kagawaran ng Transportasyon (DOTr) Metro Rail Transit Corporation (MRTC) |
Pinapatakbo ni/ng | Metro Rail Transit Corporation |
Linya | MRT-3 |
Plataporma | Gilid na batalan |
Riles | 2, 1 reserba (sa pagitan ng Estasyon ng Ayala at Magallanes) |
Konstruksiyon | |
Uri ng estruktura | Ilalim ng lupa |
Akses ng may kapansanan | Mayroon |
Ibang impormasyon | |
Kodigo | Ay |
Kasaysayan | |
Nagbukas | Hulyo 20, 2000 |
Ang Estasyon ng Ayala o Himpilang Ayala, ay isang estasyon sa Linyang Dilaw (MRT-3). Ang himpilan ay isa sa dalawang himpilang nasa ilalim ng lupa. Nagsisilbi ang himpilan para sa lungsod ng Makati at ito ay ipinangalan sa Sentrong Ayala at sa kalapit na Abenida Ayala.
Nagsisilbi bilang pangatlong himpilan ang himpilang Ayala para sa mga treng MRT-3 na patungo sa Abenida North at bilang panlabing-isang himpilan para sa mga treng patungo sa Abenida Taft. Malapit ang himpilan sa Sentrong Ayala at sa sakayan patungo sa Pandaigdig na Siyudad ng Bonifacio.