Legarda | |
---|---|
Manila MRT Line 2 | |
![]() Estasyon ng Legarda | |
Pangkalahatang Impormasyon | |
Lokasyon | Kalye Legarda, San Miguel, Maynila |
Koordinato | 14°36′03.06″N 120°59′33.69″E / 14.6008500°N 120.9926917°E |
Pagmamayari ni/ng | Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon |
Pinapatakbo ni/ng | Sistema ng Magaan na Riles Panlulan ng Maynila |
Linya | MRT-2 |
Plataporma | Gilid ng batalan |
Riles | 2 |
Konstruksiyon | |
Uri ng estruktura | Tulay (overpass) |
Akses ng may kapansanan | Mayroon |
Ibang impormasyon | |
Kodigo | Le |
Kasaysayan | |
Nagbukas | Abril 5, 2004 |
Ang Estasyon ng Legarda o Himpilang Legarda ay isang estasyon sa Linyang Bughaw (MRT-2). Ang himpilang Legarda ay isa sa maraming mga himpilang nakaakyat sa lupa. Nagsisilbi ang himpilan para sa Sampaloc sa Maynila at ipinangalan sa Kalye Legarda, kung saan nakaupo ang himpilan.
Nagsisilbi bilang pangalawang himpilan ang himpilang Legarda para sa mga treng MRT-2 na patungo sa Santolan at bilang pansampung himpilan para sa mga treng patungo sa Recto. Malapit ito sa Palengke ng Sampaloc, isa sa mga pinakamalaking palengke sa Maynila. Malapit din ito sa University of the East.